^

PSN Opinyon

Ulan kumampi kina Noy-Bi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKISAMA ang panahon kina Noy - Bi sa inagurasyon nito yesterday dyan sa Quirino Grandstand, Manila City kasi dehins naging masungit ito kung nagkataon basa lahat ng madlang people na dumalo sa nasabing isang lifetime celebration.

Sabi nga, naligo sana sila sa ulan!

Mukhang pati si Lord ay masaya sa nangyari yesterday ng manumpa bilang ika-15 President of the Republic of the Philippines my Philippines si P. Noy sa harap ng mahigit sa kalahating million na spectators and of course, mga top brass official ng different countries.

Sangkatutak na madlang people ang nanood ng procla­mation mapa-bata o matanda, tomboy at bakla nagsama-sama, may ngipin o wala nagngunguyaan, pipi, bingi at bulag nagpapakiram­daman sa nangyaring important event sa Philippines my Philippines.

Hindi biro ang naging celebration, katakut-takot na kan­tahan, palakpakan, bawat isa ay sumesenyas ng LABAN sign, kodakang umaatikabo.

Sabi nga, lahat ay masaya.

Nakangiti nang umuwi ang madlang people sa Qurino Grandstand dahil bukod sa walang patak ng ulan na dumating gaya ng sabi ng PAGASA ay nakisama nang todo ang haring araw para makita at mapanood ang isang Philippine History yesterday.

Sa paunang salita na lumabas sa bibig ni P. Noy ay pinasaringan agad nito ang dating administrasyon na puro pahirap ang ginawa sa madlang bayan.

Ika nga, hindi niya muli itong papayagan.

Naku ha!

Sana nga.

Bida ni P. Noy, dehins pumasok sa isipan niya o pinangarap ang position ng presidency pero dahil sa pangyayari, suporta at tiwala ng madlang voters responsibility na niya ang bawat Pinoy.

Ayon kay P. Noy, malaking problema ang iniwan sa kanyang ng nakalipas na administration pero natapos naman daw ang pamumuno ng ‘manhid’. Hehehe!

Kakalkalin ni P. Aquino ang mga midnight appointees ni GMA dahil dehins gusto ito ng una.

Sabi nga, naku patay!

Sa mga speechless este, mali talumpati pala ni P. Noy, sabi niya ang layunin niya sa life ay very simple... maging yapak, este mali tapat pala sa kanyang mga parents at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Tutuparin ni P. Noy ang kanyang pangako sa madlang people na walang kaplastikan at hindi mapapako ang naging pangako during the election campaign.

Kaya mula noon hanggang today at sa mga susunod na araw up to 6 years panatilihin natin sa ating brain ang slogan…  ‘Kung walang corrupt, walang mahirap.’

Sabi ni P. Noy, dehins pala slogan ang isigaw ng madlang people kundi ito ay isang prinsipe este mali mga prinsipyo pala na tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Sana maging miracle si P. Noy sa kanyang mga binitiwan salita na ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, kaya naman sa bawat taon mababawasan  ang problema ng madlang pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Naku ha!

Sana nga!

Ipinagtanggol ni P. Noy ang ilan sa mga government people dahil naniniwala toits na hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt.

Ika nga, mas marami sa kanila ay tapat.

Gagawin ng Aquino administration ang pagsipa este mali pagsupil pala ng corruption sa loob mismo ng burukrasya.

Gigisingin ni P. Noy ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong infrastructure dahil magbibigay ito ng karagdagan hotraba sa community of the Philippines my Philippines.

Gustong pigsain este mali puksain pala ni P. Noy ang corruption sa BIR at Customs matagal na kasi ang kagaguhan todits.

Sabi nga, pakalkal ang kanilang kayamanan.

Ang buwisit este buwis pala na makukuha dito ay pupunta sa quality education, health care at housing.

Sabi nga, palakpakan!

Sigaw ni P. Noy  “Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw.  Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magmakaawa este magkawang-gawa pala.”

Sabi nga, red tape pigsain este puksain pala!

Aquino also announced that he would scrutinize the “midnight appointments” issued by Mrs. Arroyo.

Isa sa mga sinabi ni P. Noy na pinalakpakan ng todo ng mga hearing aids este nakikinig pala sa kanya sa Grandstand ay ito “Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga ‘midnight appointments.’  Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.”

Ika nga, mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Sabi nga,   “Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na para sa mga magsasaka.  Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong ma-aani.”

Para sa madlang people ito ang abangan natin!

AQUINO

ESTE

MADLANG

NOY

PALA

SABI

SANA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with