^

PSN Opinyon

Are you serious?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

DAHIL inagurasyon ng bagong presidente, nakatuon ang atensyon ng bansa sa mga pagbabagong magaganap. Mataas ang ekspektasyon kay P-Noy. Sigurado naman akong kahit kaunting improvement ay katanggap-tanggap na rin sa tao lalo kung ihambing sa pinagdaanan.

Pagkalipas ng selebrasyon, kailangan pa ring harapin ang katotohanan tungkol kay GMA. Kung si President Erap ay walang pakundangang pinanagot ni GMA sa mga paratang, kailangan ding panagutan ni GMA ang toneladang reklamong nakasampa laban sa kanya. Walang pagdalawang isip na ipinangako ni P-Noy na hindi matatakasan ni GMA ang kanyang mga kasalanan sa ilalim ng isang Aquino Presidency. Tahasang dineklara ni P-Noy sa kanyang unang “Presidential” press conference na hindi naman pupuwedeng “business as usual” kay GMA. Mabigat na pangako – haligi ng plataporma – aasahan ng bansa.

Kaya naman hindi maintindihan ang balitang lumabas nang nag-usap si P-Noy at si V-Nay tungkol sa posisyon sa Gabinete. Hindi inalok kay V-Nay ang DILG kung saan sana mamamayagpag ang dating Chief Executive ng pinakamayaman at progresibong LGU ng Pilipinas. Mga karaniwan nang hinahawakan ng mga Vice President tulad ng prestiyosong Foreign Affairs Department, kritikal na Agriculture at iba pang major department ay hindi rin pinain. Sa halip, dalawang hindi gaanong katimbang na opisina, ang HUDCC (ang housing ay hindi bahagi ng plataporma de gobyerno ni P-Noy) at ang MMDA na pang-alkalde lang ng Metro Manila, ang pinarada.

At kasabay nitong mga napagpilian nang Kagawaran inalok ni P-Noy kay V-Nay ang pamunuan ng Komisyong tutuligsa kay GMA. Teka, teka, kung mahalagang bahagi ng plataporma ni P-Noy ang pagbayarin si GMA, bakit ito ang unang katungkulang pinapasa niya sa iba? Ganito rin tila ang sitwasyon sa Agrarian Reform na naging isyu din dahil sa Hacienda Luisita – bakit ito nanguna rin sa mga pilit pinapaha­wak kay Binay gayong hinihintay ng bayan ang aksyon mismo ni Noynoy tulad ng ipinangako?

Seryoso ba talaga si P-Noy sa kanyang mga pina-ngako?

Sa pagsumpa niya sa harap ng diyos ngayong tanghali, sana’y hindi malimutan ng ating bagong Pangulo na kasama ang kanyang mga inihayag nung kampanya sa mga pangakong dapat niya pangatawanan sa susunod na anim na taon.

Good Luck Mr. President!

AGRARIAN REFORM

AQUINO PRESIDENCY

CHIEF EXECUTIVE

FOREIGN AFFAIRS DEPARTMENT

GMA

NOY

P-NOY

V-NAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with