^

PSN Opinyon

'Nabuhay sa bala, namatay sa bala'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TOTOO ang kasabihan na “kapag nabuhay sa bala, sa bala rin mamamatay”. Ganyan ang sinapit ni Ronald Sevilla ang suspect sa pagpatay sa seaman na si Edralin Amon matapos mabaril ng mga pulis kamakalawa habang pabalik sa kanyang kulungan sa MPD headquarters matapos ma-inquest sa piskalya ng Maynila. Hindi naman makapaniwala ang ina ni Ronald na si Aling Corazon. Sadya raw pinatay ng mga pulis ang kanyang anak. Ayon sa kanya binayaran ng mga kaanak ni Amon ang mga pulis kaya pinatay ang kanyang anak. Masalimuot ito kaya hahayaan kong gumulong ang imbestigasyon sa magkabilang panig.

Sa aking pagtatanong kay Chief Insp. Erwin Margarejo, pinabulaanan niya ang paratang. Ayon kay Margarejo, si Ronald ay nahuli ng Sta Ana Police Station at nai-turn-over sa kanila upang iproseso ang kaso. Sila ang may karapatang magsampa ng kaso sa piskalya. Kung sabagay tama si Margarejo dahil nasa tamang proseso ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng pag-inquest kay Ronald sa kasong robbery with murder sa piskalya ng Maynila.

Ganito ang kuwento ni Margarejo. Nang sumapit daw sa kahabaan ng San Marcelino St., pabalik ng MPD head­quarters ang mobile na sinasakyan ng kanyang tatlong pulis ay biglang dinaganan ng suspect na si Ronald Sevilla ang kanyang escort na si PO2 Erwin Castro at naagaw ang baril. Dahil dito, napilitan si PO3 Jonathan Ruiz na putukan ng ilang beses ang suspect. Marahil natakot si Ruiz na maunahan pa sila kaya napilitang barilin si Ronald. Hindi basta-bastang akusado lamang si Ronald. Lumalabas kasi sa record na itong si Ronald ay sangkot sa pag-snatch ng P95,000 at pagbaril sa isang madreng Indian noong April 6, 2010. Si Ronald din ang itinuturong kasama ng isang namatay na snatcher nang mabaril ng isang security escort ng isang negosyante sa Quirino Avenue corner Taft Ave. Malate, Manila noong April 17, 2010. Nag-ugat ang pagnguso umano ni Sheena kay Ronald ng mamatay ang kalive-in parner nitong si Jomel Rentoria.

Ayon kay Margarejo labis umano ang galit ni Sheena kay Ronald ng malaman nitong inihulog sa motorsiklo ang kanyang ka-live-in nang barilin ng escort ng isang negosyanteng hinablutan ng kuwintas.habang papatakas. Ang huling biktima ni Ronald ay si 3rd Mate Edralin Amon na kitang kita sa CCTV na matapos na hablutin ang kuwintas ay binaril pa ito sa ulo bago humarorot patakas. Kaya naging maagap ang kapulisan sa kanilang pag-escort kay Ronald papunta ng Manila City hall at pabalik sa MPD headquaters.. At habang magulo pa ang pangyayari pinakilos na ni MPD director Rodolfo Magtibay ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng imbestigasyon upang mabigyan ng linaw ang naturang insidente. Parurusahan ni Magtibay ang mga sangkot na pulis kapag napatunayang nagkasala sa pagkamatay ng suspect na si Ronald.

Tutukan ko ang kasong ito mga suki.

Abangan!

ALING CORAZON

AYON

CHIEF INSP

EDRALIN AMON

ERWIN CASTRO

ERWIN MARGAREJO

MARGAREJO

RONALD SEVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with