HINDI na naghahabol sa Cabinet post si Vice President-elect Jojo Binay. Ito ay matapos na hindi maibigay sa kanya ang DILG post. Sabi ni Binay, handa siyang tumulong kay President-elect Noynoy Aquino kahit wala siyang posisyon.
Mabuti naman at nagkaintindihan agad ang presidente at bise presidente. Noon, sabi ni Binay, makakatulog nang mahimbing si Noynoy habang siya ang presidente. Parang ganoon na nga ang nangyayari dahil madali silang nagkaayos.
Dito sa US, karaniwan nang hindi binibigyan ng Cabinet post ang vice president. Pero aktibo siya sa pagtulong sa presidente. Malimit na nakasunod ang vice president kung saan naroroon ang presidente. Sa maraming pagkakataon, pinapupunta ng presidente ang kanyang bise sa ibang importanteng okasyon kung sakali mang punumpuno ang kanyang appointments. Sa US, itinuturing na mahalaga ang posisyon ng vice president.
Marahil ay dapat nang palitan ang konstitusyon natin na may kinalaman partikular sa mga posisyon ng presidente at bise presidente. Dapat bigyan ng gawain at responsibilidad ang bise presidente. Paano kung masipag ang vice presi-dent e di natulog lamang siya dahil walang ginagawa.
Si Binay sa pagkakaalam ko ay isang masipag na tao. Laging aktibo at hindi uubrang nakaupo lang. Siguro kung mabibigyan siya nang posisyon ay malaki ang iuunlad ng bansa. Talagang gaganda ang buhay kung may posisyon si Binay.