^

PSN Opinyon

Liwanag sa kadiliman

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG hayagang intensyon ng REPORT CARD ay ang pagpuna sa aksyon ng nanunungkulan sa mga sensi­tibong dinidisisyunan. Tumutulong sa paglinaw at paghubog ng opinyon ng publiko sa mahalagang usaping panlipunan. Kapag may performance, kikilalanin. Kung palpak, ipapamukha.

Dumating ang panahon nitong administrasyon ni Gng. Arroyo nang tumigil ako sa pagbigay ng grade. Wala na kasing magandang masabi sa kanyang Gabinete at pamahalaan. Nakakasuya naman kapag puro negatibo ang isinusulat.

Kaya’t excited ako sa pagbabago ngayong June 30. Marami sa manunungkulan ay kilala bilang mga magi­giting at matapat na lingkod bayan. Inaasahan na mag-iiba ang kultura: Imbes na perwisyo, serbisyo!

Si Brother Armin Luistro ng De La Salle University (DLSU) ay hihiranging Kalihim ng Edukasyon. Walang takot itong lumantad, kasama ang DLSU family noong 2005, sa kasagsagan ng iskandalong Hello Garci upang hilingin ang pagbitiw ni GMA. At nanguna rin ito sa pagbigay ng saklolo at santuwaryo kay Jun Lozada sa ZTE-NBN expose’. Masaya ang bansa kung ang magiging opisyal natin ay yung may track record nang nanindigan para sa atin at para sa katotohanan tulad ni Sec. Armin.

Dito rin sana lamang si Vice President Jejomar Binay. Gaya ng naisulat ko na noong panahon ng kadiliman, halos mag-isa niyang tangan ang sulo – kung yung com-mercial ni P-Noy ay sa TV lang, sa tunay na buhay ay ginawa na iyon ni B-Nay. Para bang sa Makati lang nag­kaliwanag – ang ba­gong Plaza Miranda ng Bayan. Di ba nga mismong si Pres. Cory ang laging unang sumu­sugod kapag si B-Nay na ang pinapahira­pan ni Gng. Arroyo?

Sana naman sa pagka­kataon ngayon ay hindi na ma­ulit ang 2001 nang halos ang buong Erap impeachment prosecution team sa pa­ngu­nguna nina Raul Gon­zales at Sergio Apostol at maski ang Spice Boys nina Mike Defensor ay napatu­nayang higit pang pahirap sa bayan kaysa mga taong pilit nilang pinasipa. At para hindi ito mangyari muli, importan­teng huwag humupa ang ating paninindigan na kila­lanin ang may performance at ipamukha ang kapal­pakan. Ang REPORT CARD ay pa­tuloy na magi­ging ma­agap sa paglinaw at pag­hubog ng opinyon ng publiko sa maha­lagang usaping panlipunan.

B-NAY

DE LA SALLE UNIVERSITY

GNG

HELLO GARCI

JUN LOZADA

MIKE DEFENSOR

PLAZA MIRANDA

RAUL GON

SERGIO APOSTOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with