Problema ng paniki, buzzard at bubuyog

KAPUPULUTAN ng aral ang e-mail na ito, isinalin ko mula sa Ingles:

Napakaliksi ng ordinaryong paniki lumipad sa himpapawid sa gabi. Bulag siya pero hindi nababangga sa anoman dahil may abilidad na sonar: Bumubuga ng tunog na pagbalik ay nararamdaman niya kaya nakakaiwas sa hadlang sa flight path. Heto ang sisti. Hindi kaya ng paniki mag-takeoff mula sa patag. Kapag ilapag sa sahig o pantay na tuntungan, mag-iinikot lang ito. Kailangan sikapin nito gumapang sa parte na may konti man lang elevation o incline. Saka nito sa isang kisap maihahagis ang sarili sa himpapawid. Kung hindi, mananatili siya sa patag habang buhay.

Marami sa North America ang malaking ibon na buzzard. Malayo at matagal siya lumilipad. Pero kung ikulong ito sa koral na dalawang metro kuwadrado, miski bukas sa itaas, hindi nito kakayanin lumipad. Miski dati siyang malakas lumipad, mananatili siyang bilanggo sa koral. Ito’y dahil para lumipad ang buzzard, kailangan muna niya bumuwelo patakbo sa patag nang 10 hanggang 12 talampakan. Kung walang espasyo para tumakbo, na ugali niya, ni hindi na niya tatangkain lumipad. Magpapabilanggo na lang sa maliit na kulungan — na bukas sa itaas.

Ang bubuyog, kung ilaglag sa bukas na baso, ay mananatili doon hanggang mamatay, kung hindi ito ilabas. Hindi nito nakikita ang paraan ng pagtakas sa itaas. Magpupumilit ito humanap ng lalabasan sa gilid ng baso, malapit sa kinaroroonan sa ibaba. Maghahanap siya ng lalabasan kung saan wala, hanggang maubos ang lakas.

Marami sa atin ang tulad ng paniki, ng buzzard, at ng bubuyog. Nagkukumahog tayo sa mga problema o sama ng loob, at hindi nababatid na ang solusyon o landas palabas sa krisis ay nasa itaas — sa Langit, sa Diyos.

Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com

Show comments