^

PSN Opinyon

Cavite magkakaroon ng pagbabago

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAGKAROON ng pagbabago sa probinsiya ng Cavite sa ilalim ng liderato ni Gov.-elect Jun Vic Remulla, Hindi ang ekonomiya ng Cavite ang tinutukoy ko mga suki kundi ang sugal na jueteng. Usap-usapan kasi sa buong Cavite sa ngayon na may jueteng operator na naglagak ng P20 milyon pondo para isulong ang kandidatura ni Remulla noong nakaraang election. Ang kapalit? Aba siyempre, ang jueteng operator na ang magpapatakbo ng naturang negosyo sa Cavite nga. Kaya’t hilong-talilong sa ngayon ang mga ilegalista sa Cavite bunga sa abot nila na titigpasin ang leeg nila sa pag-upo ni Remulla sa Hulyo. Sinabi nga ng kausap ko na ang isang alyas Nestor, na retiradong pulis, ang magsisilbing middle man ng jueteng operator ke Gov. Remulla, hehehe! Ganyan talaga ang buhay. Kapag me bagong upo na pulitiko, aba bago din tiyak ang mga financier ng mga pasugalan, di ba mga suki?

Kung magbabago ang financier ng jueteng sa Cavite sa liderato ni Remulla, tiyak wala na rin sa kanyang opisina itong si Dominador Villanueva, ang hepe ng NBI sa Cavite District Office (CAVIDO). Kasi nga iminungkahi na ng mga matataas na opisyales ng NBI na walisin sa puwesto niya sa Villanueva habang iniimbestigahan ang akusasyon na malawakang tong collection nito sa jueteng, sakla, tupada at beerhouse joint. Ibinulgar kasi ni dating NBI confidential agent Peter Ignacio ang collection activities ni Villanueva na nakarating naman ke NBI Director Nestor Mantaring sa pamamagitan ni Cavite prosecutor Emmanuel Velasco. He,he,he! Ang buhay talaga. Minsan sa itaas ka, minsan naman sa ibaba. Suwerte-suwerte lang, di ba mga suki?

At kung sa Cavite ay magbabago ang financier ng pasugalan, sa karatig siyudad naman ng Pasay ay ganun din. Nagkakaroon kasi ng bidding war sa liderato ni incoming Pasay City Mayor Tony Calixto kung sinu-sino ang magpapatakbo ng pasugalan sa “Sin City” nga. Ang operator ng sakla- patay na si Freddie Cabrera ay nag-alok ng P200,000 grease money sa kampo ni Calixto para ipagpatuloy niya ang illegal na negosyo niya subalit tinanggihan ito ng huli. Kaya’t si Cabrera sa ngayon ay naghahanap ng padrino at nagdarasal na kumambiyo ang isip ni Calixto at pumabor sa kanya. Mahihirapan na ata, di ba mga suki? Lumutang na rin ang mga pangalan nina Namcy, Aging, Gani Cupcupin, at Lucy sa Pasay City subalit wala pang linaw kung sino nga ang basbasan ni Calixto. Subalit sinabi ng mga kausap ko na sa bandang huli ang mamamayani diyan ay itong bagman ni Calixto na si alyas George del Rosario na nag-bankroll ng kampanya ng incoming mayor. Kung sino ang babasbasan ni del Rosario, sya na yon, anang kausap ko.

Kung sabagay, hindi lang sa Cavite at Pasay City magkaroon ng rigodon ang mga gambling lords dahil sa ibang lugar kung saan bago ang mga uupong mayor at gobernador, tiyak me galawan din. ‘Yan ang babantayan natin mga suki para iparating ke Pres.- elect Noynoy Aquino para habulin sila at hambalusin sa kasong corrption. Pwede, di ba mga suki? Abangan!..

CALIXTO

CAVITE

CAVITE DISTRICT OFFICE

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DOMINADOR VILLANUEVA

EMMANUEL VELASCO

FREDDIE CABRERA

PASAY CITY

REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with