^

PSN Opinyon

Bagsak na kalidad ng edukasyon

- Al G. Pedroche -

UMABOT na sa 24-milyon ang bilang ng mga estudyanteng nagsipag-enroll ngayon. Isang milyong estudyante ang nadagdag sa taong ito. Taun-taon ay dumarami dahil sa paglago ng populasyon. Pero kamustahin natin ang kalidad ng pagtuturo. Bagsak pa rin. Ito ang bagay na dapat pagtuunang pansin ng bagong Aquino administration.

Ang kaunlaran ng bansa ay nakasandal sa talino ng mga mamamayan. Kaya kung gusto nating umunlad ang bansa, paunlarin ang quality of education. Napanood ko ang interview kay DepEd Secretary Mona Valisno kahapon. Naungkat na naman ang planong dagdagan ng tig-isang taon ang elementarya at high school. Ibig sabihin, aabot ng grade-7 ang elementarya at 5th year ang high school. Solusyon nga kaya ito?

Tingin ko’y hindi. Noong araw ay wala namang 7th grade at 5th year. Katunayan nga, ang mga tao noong unang panahon ay nakapagtuturo kahit elementarya o high school lang ang natapos. Pero napakaraming matatalinong tao noong araw. Matatas sa pagsasalita ng ibang wika gaya ng Spanish at English. Ang rason ay ekselente ang kalidad ng edukasyon noon kumpara ngayon. Ang problema ay kakaunti na ang mga magagaling na teachers.

Sa pagpasok ng bagong administrasyon, ang lara-ngang ito ng pagtuturo ang dapat tutukan. Nagbago na rin nang malaki ang trend sa pagtuturo dahil sa cyber age. Malaking papel na ang ginagampanan ng computer kaya dapat gawin ng 100 percent computerized ang mga paaralang publiko para makaagapay tayo nang mabilis sa mga umuunlad na bansa. Ang kailangan natin sa ngayon ay mga mamamayang computer literate dahil lahat halos ng bagay ngayon ay umaasa na sa computer.           

Sa palagay ko, hindi solusyon ang pagdadagdag ng taon sa pag-aaral. Baka nga lalu pang tamaring mag-aral ang mga estudyante kung magkagayon.

AQUINO

BAGSAK

IBIG

ISANG

KATUNAYAN

PERO

SECRETARY MONA VALISNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with