^

PSN Opinyon

Kakulangan sa publikasyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang bahagi)

SA extrajudicial foreclosure sale ng isang real estate mortgage, ang notice of sale ay kailangang ipaskil sa pampublikong lugar kung saan matatagpuan ang lupa. Ang notice ay dapat ipaskil nang hindi kukulang sa 20 araw, 1 beses kada linggo sa loob ng 3 linggo sa isang dyaryo ng general circulation kung ito ay naghahalagang higit sa P400,000.00. Ang hindi pagsunod dito ay magreresulta ng pagiging void o walang bisa ang pagbenta ng lupa. Ito ang hatol sa kaso ng mag-asawang Diony at Carrie (ang mag-asawa).

Ang kasong ito ay tungkol sa lupa ng mag-asawa sa Caloocan City na kanilang iminortgage sa isang bangko (PSB) upang makakuha ng loan na naghahalagang P3,082,000. Ito ay inilit ng banko nang hindi maka­pagbayad ng utang ang mag-asawa.

Ang foreclosure sale ay isinagawa noong March 29, 1996 ng Deputy Sheriff ng Regional Trial Court sa Caloocan matapos niyang ipaskil ang notice of sale sa 3 pampublikong lugar at ipinapublish sa diyaryong “Ang Pinoy”. Sa proseso ng pagbebenta, lumabas na ang PSB ang pinakamataas na bidder sa kanyang P3,000,000 na bid. Matapos nito ay nag-issue ng certificate of sale para sa PSB.

Nagsampa ng kaso sa RTC ang mag-asawa para pawalang-bisa ang pagbenta dahil ayon sa kanila, ang extrajudicial foreclosure ay walang bisa ay hindi sinunod ang tamang patakaran sa pag-publish ng notice. Ayon sa kanila, ang “Ang Pinoy” ay hindi diyaryo ng general circulation.

Sabi ng RTC nasundan naman ang patakaran sa pag-publish ng notice kahit hindi nito tinanggap bilang ebi­densiya ang affidavit of publication na iprinisenta bilang ebidensya ng PSB kung saan nakasaad na ang “Ang Pinoy” ay diyaryo ng general circulation na ipiniprint at ipina-publish sa Manila. Ayon sa RTC ito ay hearsay evidence dahil hindi naipresenta ang affiant sa witness stand. Umasa lamang ang RTC sa positibong testimonya ng Deputy Sheriff na iginawa niya ang pagpapapublish ng Notice of Sale bilang pagsunod sa obligasyon sa trabaho.

Ang kanyang sinabi ay taliwas sa ebidensya ng mag-asawa sa paraan ng testimonya ng isang tagabenta ng dyaryo sa Quezon City. Ayon sa testigo, hindi niya kilala ang “Ang Pinoy” at hindi niya binebenta ito. Ngunit sabi ng RTC ang testi­monyang tulad nito ay hindi maaaring magdulot ng konklusyon na walang dyaryong “Ang Pinoy”.

(Itutuloy)

ANG PINOY

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DEPUTY SHERIFF

NOTICE OF SALE

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with