^

PSN Opinyon

Loyalista natural piliin ni Noynoy

SAPOL - Jarius Bondoc -

MARAMING nagbibigay sa pamamagitan ng media ng unsolicited advice kay President-elect Noynoy Aquino. Kesyo ang isyu na ito o sektor na iyan ang dapat daw pag­tuunan niya ng pansin. Kesyo ang tao na ito o pak­siyon na iyan ang dapat pakinggan tungkol sa direksiyon ng administrasyon. Marami sa mga payo na ito ay maka­sarili — isinusulong ang makitid na interes. At dahil maka­sarili, balu-baluktot at hilong-hilo ang pagbigkas.

Ang pinaka-mababaw na lumabas na payo nang maproklama si Noynoy ay ito: mali raw kung ang iluluklok niya sa puwestong gobyerno ang mga masugid na kumampanya sa kanya. Dapat daw humirang siya mula sa hanay ng mga neutral at matatalinong technocrats, academics, religious, at negosyante.

Maraming rason kung bakit mali ang payo. Una, ipinapalagay ng nagpapayo na lahat ng campaigners ni Noynoy ay walang utak. Pero isipin lang niya, kung bobo ang mga ito, e bakit nakapagpapanalo sila ng matinding eleksiyon bagamat kulang sa pondo at panahon. At 42% ng boto ang nakuha ni Noynoy — pinaka-malaki sa anumang eleksiyon sa ilalim ng 1987 Constitution.

Ikalawa, binabale-wala ng nagpapayo ang kahala­gahan ng tiwala ng taga-appoint sa ina-appoint. Aba’y bakit kukuha si Noynoy sa hanay ng mga “neutral”, e hindi naman niya sigurado kung nonpartisan nga sila o sumuporta pala sa mga katunggali niya. Bukod du’n, nasubukan na niya ang talas at gilas ng campaigners niya, kaya mas sasandal siya sa mga ito. Ang hindi lang puwede italaga ay mga kamag-anak at dayuhan.

Kapulutan ng aral ang sinabi ni John D. Ehrlichman, senior White House assistant ni US President Richard Nixon: “Madali kami makakuha ng eksperto — sa presyo ng karne o espesyal na edukasyon o kahalagahan ng kalusugan — para tulungan kaming anali­sahin at intindihin ang mga isyu. Pero ang mga hinahanap una sa lahat ni Nixon ay matapat, matikas, at mapagka­ka­tiwalaan.” Siyempre naman.

vuukle comment

JOHN D

KESYO

NIYA

NOYNOY

NOYNOY AQUINO

PERO

PRESIDENT RICHARD NIXON

SHY

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with