^

PSN Opinyon

P170-M para sa kapayapaan napunta sa corruption!

DURIAN SHAKE -

Mismong si Presidential Adviser on the Peace Process Annabelle Abaya ang nagbunyag na talamak ang corruption sa opisinang kanyang hinawakan.

Ito ay kanyang nalaman noong siya ay naitalaga ni Pangulomg Arroyo bilang head ng OPAPP noong November 2009, na umabot na raw P170 million ang misused fund sa nasabing opisina.

Ayon kay Abaya ang P170 million ay napunta sa unnecessary bonuses and benefits para sa OPAPP officials and personnel. May 70 na OPAPP officials at personnel na nga raw na pinatalsik ni Abaya dahil nga sa sinasabing unnecessary expenditures.

Alam ng lahat kung sinu-sino yong mga humawak ng OPAPP noon. Ilan sa kanila ang nabigyan pa nga ng ma­­gan­­dang puwesto na aabot pa ng anim na taon ang ka­nilang paninilbihan sa gobyerno.

Ngunit kung tutuusin siguradong mahigit pa sa P170 million ang nawawala sa OPAPP kung magsimulang maghalungkat ng mga records nito since 2001 nang pinalitan ni Pangulong Arroyo si Erap Estrada sa pag­kapangulo. Mahabang panahon din ang siyam na taon sa pagkasasasa ng mga opisyal na sinasabing tumutulak ng usaping pangkapayapaan sa bansa.

Maliban pa sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front (NDF), matagal na ring sinusulong ang peace process na may kaugnayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa OPAPP rin kinuha ang pondo para sa Social Integration Program ng pamahalaan para sa mga dating rebeldeng New People’s Army o di kaya’y Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa OPAPP din kinukuha ang pondo para sa Bishop Ulama Conference (BUC), na isang inter-faith mechanism para sa kapayapaan sa Mindanao. OPAPP ang financier ng mga conferences at general assemblies ng BUC nitong mga nakaraang taon.

Kinukuha rin sa OPAPP ang gastos ng ating peace negotiators na kailangan pang bumiyahe ng Kuala Lumpur at maging ng Norway para sa mga naka-schedule na peace talks.

Siguradong may magsasabi na ang P170 million ay napakaliit na halaga kung ikumpara sa kapayapaan na natatamo ng bansa, lalo na sa conflict-affected areas ng Mindanao at maging sa northern part of the country.

Ngunit hindi ibig sabihin na dahil nga sa ngalan ng kapayapaan ang pondo ng opisina na gaya ng OPAPP ay pupuwede na lang itong abusuhin ng mga opisyales nito. Sobrang pag-aabuso ng OPAPP funds ang nang­yari.

At sana naman, ngayon na binunyag na ni Secretary Abaya ang nangyayaring corruption sa OPAPP ay panindigan niya ang kanyang sinabing papanagutin niya ang mga may-sala.

Sana maipakita ni Secretary Abaya ang kanyang findings ukol sa corruption sa OPAPP sa Commission of Audit at maging sa Office of the Ombudsman.

Kailangang pangangatawanan ni Secretary Abaya ang kanyang mga paratang at ilantad sa publiko kung sinu-sino yong mga opisyales na nagpakasasa sa pera ng gobyerno sa ngalan ng KAPAYAPAAN!

vuukle comment

ABAYA

BISHOP ULAMA CONFERENCE

COMMISSION OF AUDIT

ERAP ESTRADA

KUALA LUMPUR

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPAPP

SECRETARY ABAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with