Dalawang partido lang
Mainam seguro sa halalan natin –
Ibalik sa dati ang two party system;
Sa sistemang ito’y saanman daanin
Kitang-kita agad magandang layunin!
Kung tulad ng dating NP LP lamang
Ang mga partidong ating bobotohan –
Hindi tayo hirap kapag nagbibilang
Ng maraming boto sa lunsod at bayan!
Hindi tulad ngayong kay daming partido
May sample ballot man ay nakalilito;
Hindi mo matiyak kung sino ang sino
Pati ang party list kasama pa rito!
Saka kung pupwede gawin ng Comelec –
Limitado lamang bilang ng party list;
Pamparami ito sa mga candidates
Kaya sa Kongreso maraming paningit!
Dalwang kandidato lang ang pagpipilian
Sa pagka pangulo nitong ating bayan;
Kahi’t magdebate sa maraming lugar –
Dalawang tao lang ang magbabatuhan!
Hindi tulad ngayong kay daming candidates
Hindi mo masabi – salbahe’t mabait;
Kanya kanyang mithi siyang dinadalit
Kaya ang botante tuliro at galit!
Nagdaang halala’y multi party system
Kaya nahirapan mga voter natin;
Matanda at bata pagpasok sa precinct
Hanap pang mabui ang gusong president!
Kaya panawagan ng pitak na ito
Ibalik sa dati ang dalwang partido;
Ang mga botante’y tiyak segurado
Iboboto nila ay pangulong gusto!
Political party kung lubhang marami
Ang nahihirapa’y ang mga botante;
Saka ang ginastos hindi mo masabi
Kung mula sa bayan o perang sarili!
- Latest
- Trending