^

PSN Opinyon

Sana okey sina NoyBi

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NGAYONG proklamado na sina Noy Aquino at Jejomar Binay para presidente at bise presidente, palagay ko magiging maaliwalas na ang lahat para sa mga Pilipino. Isang buwan din na naging masyadong abala ang mga Pilipino at inaabangan ang mga kaganapan sa kauna-unahang automated election.

Makasaysayan ang pagkakaluklok kay Noynoy at Binay sapagkat sila ang kauna-unahang presidente at bise presidente na ang mga boto ay dumaan sa makina. Tagumpay ang kauna-unahang automation at marami ang nagpaabot ng pagbati dahil naging matagumpay ang election. May mga nagprotesta na sila ay dinaya pero wala naman silang maiharap na ebidensiya. Dito sa US walang marinig na reklamong dayaan o problema. Sabagay, nanganganay kasi ang automation kaya hindi maiwasan ang kapalpakan.

Sa palagay ko naman, maraming naging masaya dahil sa pagwawagi ni Noynoy. Landslide kasi ang panalo niya. Pinakamalaking boto sa kasaysayan ng election sa Pilipinas. Pero alam ko rin, may mga nalulungkot dahil hindi nanalo ang ka-teammate ni Noynoy na si Mar Roxas. May election protest daw si Roxas. Hindi pa rin siya sumusuko. Sabagay karapatan ni Roxas ‘yan. Hayaan natin siya sapagkat iyon ang inaakala niya.

Sana naman, hindi maging sagabal ang pagiging magkaiba ng partido nina Noynoy at Binay. Mapatakbo sana nila nang mahusay ang bansa. Umaasa ako na matutupad ni Noynoy ang kanyang mga pangako sa sambayanan. Sabi niya, “kung walang corrupt, walang mahirap”. Sige NoyBi, upakan na ang mga corrupt para gumanda ang buhay.

BINAY

DITO

JEJOMAR BINAY

MAR ROXAS

NOY AQUINO

NOYNOY

PILIPINO

ROXAS

SABAGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with