'Lutuan'

PALAISIPAN sa BITAG kung bakit nananatiling malakas ang loob ng ilang miyembro ng Philippine National Police na gawin ang krimeng HULIDAP.

Sa isinagawang panayam ng BITAG kay Atty. Luis Mario General, dating commissioner ng National Police Commission o NAPOLCOM, nakita namin ang maliwanag na sagot.

Sa kasalukuyan, dalawa ang kilalang tanggapan na maaaring pagsumbungan o sampahan ng reklamo ng mga biktima laban sa mga tiwaling pulis.

Ang Internal Affairs Office o IAS na nasa loob mismo ng Campo Crame at ang NAPOLCOM.

Ang pagkakaiba ng dalawang tanggapan, sa Internal Affairs Office, mga pulis din ang nag-iimbestiga at humahawak ng kaso laban sa mga kabaro nilang pulis na inirereklamo.

Ayaw naming maglaro sa aming isipan na maaaring may “lutuang nagaganap” sa sitwasyong ito.

Sa NAPOLCOM naman, mga civilian ang tuma­tang­gap, nag-iimbestiga at nagre-resolba ng mga kasong inilalapit ng mga biktima.

Ang problema, gawin man ng NAPOLCOM ang kani­lang trabaho, may “bossing” pa rin na maaaring magpatupad agad o balewalain ang kanilang desisyon laban sa mga inireklamong pulis.

Dahil ang NAPOLCOM ay nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ibig sabihin, lumabas man sa kanilang imbes­tigasyon na napatunayang nagkasala ang isang ini­rereklamong pulis, maglabas man sila ng desisyon na dapat nang tang­­galin ito sa serbisyo, kung iisnabin naman ng sekretaryo ng DILG ang desisyong ito, mananatili pa rin sa ser­bisyo ang tiwaling pulis.

Kabilang na rito ang mga pulis na nasasangkot sa kasong HULIDAP. Hu­hubaran ng BITAG ang nasa likod ng problemang ito. Abangan!

Show comments