^

PSN Opinyon

Kontrata ng STRADCOM, busisiin

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HIHILINGIN ng PISTON, isang transport group kay Prez apparent Noynoy Aquino na busisiin nito ang kontrata ng STRADCOM sa LTO at DOTC dahil malaking problema sa madlang motorista ang mga ipinatutupad na computer fees at iba pang singilin ng nasabing corporation.

Kaalinsabay nito, gusto ni Piston Secretary General George San Mateo na ibasura na ng tuluyan ni Noynoy ang RFID project ng LTO dahil ilegal ito at dagdag gastos pa. Sabi nga, kawawang mga motorista!

Hihilingin ni George kay Noynoy ang pagbasura sa DOTC Department order 2008-39 at 2008-38 na nagpatupad ng sobra as in sobra ika nga, grabe na multa sa trapiko at administrative fees dahil ito ang dahilan kung bakit mataas ang binabayaran nilang computer fees ng STRADCOM.

Sabi ni George, grabe ang pahirap sa mamamayan na ginagawa ng STRADCOM, nariyan ang mataas na computer fees na sinisingil sa pagrerehistro at pagkuha ng lisensiya ng mga driver bukod pa sa tumaas na bayarin sa insurance dahil sa corporation, pero sa kabila ng lahat ng tumaas na bayarin na yan, palaging bogged down ang computers ng Stradcom at walang magandang serbisyo dahil hindi nila mapigilan ang pagdami ng kambal na plaka, pagrehistro ng mga smuggled cars at iba pa gayung sila ang may hawak ng data base ng LTO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, illegal daw ang direct connect ng STRADCOM.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang legal basis ang direct connect facility ng STRADCOM Corporation sa may 86 na petcs kaya umano patuloy nitong sinisiraan ang kredibilidad ng mga petc it providers na nagsasagawa ng paglilinis sa mga mauusok na sasakyan sa buong bansa.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing ginagamit ng STRADCOM ang kanilang pagiging IT Provider ng LTO para pumasok ng inter - connectivity contract sa mga PETCs na malinaw na ito ang may conflict of interest dahil bukod sa pagsingil sa computer fee bilang IT provider ng LTO ay naniningil din ito ng bayad mula sa mga Petcs na nagpa - direct connect sa kanila.

Totoo kaya ito?

Ano ba ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng direct connect ng STRADCOM, sila na ang IT Provider ng LTO na siyang tumatanggap ng data ng PETC at tinitignan kung valid ito, at sila rin ang IT Provider ng PETC na siya ring nagbabato ng data sa LTO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may bayad ang STRADCOM sa pagiging IT provider ng LTO at the same time sumisingil din ito ng bayad sa mga PETC.

Ang tanong - papaano niya ngayon huhulihin ang sarili nya?”

Ano kaya ang masasabi dito ni Atty. Dan Barrameda ng IT- RDMS?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang direct connect ng STRADCOM ay pawang nasa operational testing pa lamang pero ito nakakasingil na sa mga PETC na sinasabing isang malaking anomalya.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Changhong palpak

BUWISIT na buwisit as in asar ang isang alipores ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nakabili ng 40 inches Changhong LCD television may ilang buwan na ang nakaraan kahit mura palpak naman. Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagsumbong ang alipores ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa Changhong 40 inches LCD television na nabili nito sa Trinoma kasi nawawala ang sound ng tv habang nanonood ito.

Ika nga, palpak.

Nagreklamo ito sa isang Ritchie na salesman ng Changhong TV sa Trinoma para sabihin ang problema nangako naman ang una na itatawag niya agad ito sa company.

Nagpunta naman ang technician pero ang pinagbuntungan ng sisi nito ay ang cable company kung saan naka-subscribe ang pobreng alindahaw.

Ika nga, ang cable ang may kasalanan.

Hindi dito nagtapos ang kalbaryo ng alipores ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos siyang paniwalain na sa cable company ang problem dahil up to now ay ganoon pa rin ang problema ng television.

Hindi biro ang television ng pobreng alindahaw sa kanyang bahay ang isang Changhong 40 inches LCD lamang niya ang kinaiinisan niya porke lahat ng TV nito ay nakakabit din sa cable company nito.

Tinawagan ng alipores ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang Benjie, nagpakilalang technician ng Changhong service center sa cellphone number 0917 - 7918209 pero hanggang ngayon ay hindi nito sinisipot sa bahay para serbisyuhan ang reklamo.

Kaya sabi niya sa gustong bumili ng mga Changhong LCD television, mag-ingat kayo.

Abangan.

CHANGHONG

KUWAGO

LTO

MISMO

ORA

SABI

STRADCOM

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with