NANALO si Rep. Abraham “Baham” Mitra bilang governor ng Palawan. Siya ang ibinoto ng mga Palaweño para maging Punong-lalawigan. Katunayan, proklamado na siyang winner kamakailan ng COMELEC. Kaso matindi ang pagsalungat ng kampo ng kanyang katunggaling si Jose Alvarez na kumukuwestyon sa kanyang residency.
Bilang background sa usaping ito, ang residensya ni Baham ay nasa Puerto Princesa na bagamat kabisera ng Palawan ay naging highly urbanized city. Sa ganyang kalagayan ng lungsod, hindi na bumoboto sa provincial level ang mga taga-roon. Hindi na rin ubrang kumandidato for provincial positions ang taga-roon. Mayroon ipinatayong tahanan si Baham sa Aborlan, Palawan. That should legitimize his running for the gubernatorial post. Pero kinukuwestyon pa rin ng mga katunggali niya sa Korte Suprema. Kesyo hindi pa raw tapos at walang maayos na palikuran kaya imposibleng nakapag-establish siya ng residensya rito. Mahirap talagang ispelengin ang batas kung minsan. Pero sabi nga, there is such a thing as “spirit of the law” na ikinukonsidera kung ito’y magbubunga ng kabutihan sa pangkalahatan.
Sana, ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa usapin ay maging favorable para sa lalawigan at hindi lamang bunga ng pamumulitika. Nagtitiwala ako sa integridad at matalinong desisyon ng Mataas na Hukuman.
Hindi nabubura ang katotohanang Palaweño si Baham. Ang ama niya na si Dating House Speaker Ramon Mitra ay may magandang track record sa pag sisilbi sa lalawigan na ipinagpatuloy ni Baham. Marami akong kakilalang Palaweño na nagpapatotoo sa integridad ng taong ito. Ang sabi nila, natatakot sila na salantain ng mga illegal loggers ang lalawigang masagana sa punong-kahoy kapag iba ang naupong governor.
Sana’y may mag-initiate ng pagbabago sa batas hinggil sa isyu ng highly urbanized city. Puwe deng hindi na bumoto on the provincial level ang mga mamamayan diyan pero payagan naman sanang tumakbo sa provincial positions ang mga taga-roon na highly qualified bilang gobernador. After all, bahagi pa rin ng probinsya ang isang lungsod lalo pa’t tinatawag na kabisera o capital.