^

PSN Opinyon

Baham Mitra, the right guy for the job

- Al G. Pedroche -

NANALO si Rep. Abraham “Baham” Mitra bilang governor ng Palawan. Siya ang ibinoto ng mga Palaweño para maging Punong-lalawigan. Katunayan, proklamado na siyang winner kamakailan ng COMELEC. Kaso matindi ang pagsalungat ng kampo ng kanyang katunggaling si Jose Alvarez na kumukuwestyon sa kanyang residency.

Bilang background sa usaping ito, ang residensya ni Baham ay nasa Puerto Princesa na bagamat kabisera ng Palawan ay naging highly urbanized city. Sa ganyang kalagayan ng lungsod, hindi na bumoboto sa provincial level ang mga taga-roon. Hindi na rin ubrang kuman­didato for provincial positions ang taga-roon. Mayroon ipinatayong tahanan si Baham sa Aborlan, Palawan. That should legitimize his running for the gubernatorial post. Pero kinukuwestyon pa rin ng mga katunggali niya sa Korte Suprema. Kesyo hindi pa raw tapos at walang ma­ayos na palikuran kaya imposibleng nakapag-establish siya ng residensya rito. Mahirap talagang ispelengin ang batas kung minsan. Pero sabi nga, there is such a thing as “spirit of the law” na ikinukonsidera kung ito’y magbubunga ng kabutihan sa pangkalahatan.

Sana, ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa usapin ay maging favorable para sa lalawigan at hindi lamang bunga ng pamu­muli­tika. Nagti­tiwala ako sa integ­ridad at ma­talinong desisyon ng Mataas na Hukuman.

Hindi nabubura ang katoto­ha­nang Palaweño si Baham. Ang ama niya na si Dating House Speaker Ramon Mitra ay may magandang track record sa pag­ sisilbi sa lalawigan na ipi­nagpa­tuloy ni Baham. Marami akong kaki­la­lang Palaweño na nagpa­pa­totoo sa integridad ng taong ito. Ang sabi nila, nata­takot sila na salantain ng mga illegal loggers­ ang lalawigang ma­sagana sa punong-kahoy kapag iba ang naupong governor.

Sana’y may mag-initiate ng pag­babago sa batas hinggil sa isyu ng highly urbanized city. Puwe­ deng hindi na bumoto on the provincial level ang mga mama­mayan diyan pero paya­gan naman sanang tumakbo sa provincial positions ang mga taga-roon na highly qualified bilang gobernador. After all, bahagi pa rin ng probinsya ang isang lungsod lalo pa’t tina­tawag na kabisera o capital.

BAHAM

DATING HOUSE SPEAKER RAMON MITRA

JOSE ALVAREZ

KORTE SUPREMA

PALAWAN

PALAWE

PERO

PUERTO PRINCESA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with