^

PSN Opinyon

Romulo Neri ng NBN/ZTE

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KAWAWANG Romulo Neri, presidente ng SSS, dating hepe ng NEDA na nagsiwalat ng tang­kang pagsuhol ni dating Comelec Chairman Ben­jamin Abalos Sr. sa kanya ng 200 milyong piso, para aprubahan ang NBN/ZTE deal. Isang napakalaking anomalya na muntik nang pa­sukan ng gobyerno sa ilalim ni President Gloria Arroyo. Kinasuhan at pinaaaresto na sina Neri at Abalos ng Sandiganbayan dahil sa nabanggit na kaso. Pero nilalabanan ni Neri ang Sandigan­bayan, at dumadaing na siya’y “scapegoat” lamang. “Scapegoat” nino? Bakit hindi pa niya deretsong sabihin?

Sinayang ni Neri ang pagkakataon. Siniwalat lang niya ang panunuhol ni Abalos, pero wala siyang binanggit sa mag-asawang Mike at Gloria Arroyo ukol sa NBN/ZTE deal, sa kabila ng pagbanggit sa kanila nila Joey De Venecia at Jun Lozada. Kaya walang naniniwala sa kanya na walang sala ang Unang Pamilya. Ang mga ganyang kalalaking transaksyon ay siguradong hindi lumalampas sa kaalaman ng Palasyo. Kung sinabihan niya si President Arroyo ukol sa tinangkang pagsuhol sa kanya ni Abalos, bakit walang man lang ginawa si Arroyo kay Abalos? Dito pa lang ay marami nang tanong.

Ngayon, si Neri at Abalos ang iniipit ng Sandiganbayan. Silang dalawa ang pinipisil ukol sa naunsyaming transaksyon. Si Neri at si Abalos ang nakitaan ng sala, kinasuhan at pina­aaresto. Paano na ang mga nasa Palasyo? Inab­suwelto ng Sandiganbayan, sa halip ng testi­monya ni Joey De Venecia, Jun Lozada, pati na mga larawan na nagpapakita na kasama nila ang mga opisyal ng ZTE sa China. Lahat iyan ay walang bigat, di tulad ng mga ebidensiya laban daw kina Neri at Abalos.

Ganun talaga kapag alipores lang. Ganun talaga kapag nilalaglag. Paalis na ang mga naka­tira sa Palasyo ng siyam na taon, bagama’t lumilipat lang ng bahay ang pangunahing nanirahan doon. At si Neri, na nagsiwalat nung suhol, kawawa nga naman. Pero siya naman ang namili ng kanyang mga kakampi, siya naman ang nag-ukit ng kanyang tadhana, siya naman ang nagpalipas ng oportunidad na maging dakila. Kaya mag-isa na siya ngayon.

ABALOS

ABALOS SR.

COMELEC CHAIRMAN BEN

GANUN

JOEY DE VENECIA

JUN LOZADA

NERI

PALASYO

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with