BILANG volunteer doctors ng Salamat Dok sa loob ng 3 taon, kami ng aking misis na si Dr. Liza Ong, ay natutuwa sa tuluy-tuloy na paglakas ng programa sa ABS-CBN. Malaki ang naitutulong ng Salamat Dok sa kalusugan ng ating kababayan. Ang programa ay mapapanood sa Channel 2 tuwing Sabado 6 am at Linggo 7:30 am.
Una, sa pagbibigay ng payo sa manonood. Pangalawa, sa medical mission sa ABS-CBN garden kung saan daan-daang pasyente ang natitingnan. At pangatlo, sa bagong “Hulog ng Langit” segment ni Ms. Bernadette Sembrano kung saan tumutulong siya sa mga mahihirap na maysakit.
Ms. Bernadette Sembrano ang Host
Sanay na sanay na si Ms. Bernadette Sembrano sa pag-ho-host ng Salamat Dok. Tuwang-tuwa ang mga pasyente at volunteers ng Salamat Dok sa kanya kung saan linggo-linggo niyang kinakamayan at dinadalaw ang mga ito.
Ayon sa isang insider sa ABS-CBN, mataas ang “empathy” ni Ms. Bernadette sa mga surveys na ginagawa ng estasyon. Ang ibig sabihin ay malakas ang appeal ni Ms. Bernadette sa publiko at ito ang nagiging susi ng kanyang tagumpay. Ito din marahil ang dahilan kung bakit mas dumarami ang pasyenteng nagpa-pa-check-up.
Bukod sa Salamat Dok, si Ms. Bernadette din ay host sa Umagang Kay Ganda mula Lunes hanggang Biyernes, at news anchor sa TV Patrol World tuwing Sabado at Linggo.
Happy 6th Anniversary:
Ngayong Hunyo ay 6 na taon na ang Salamat Dok. Nagpapasalamat din tayo sa mga dating nag-alaga sa programa. Matagal itong inalagaan ni Ms. Marielle Catbagan, ang dating Executive Producer ng programa na ngayon ay na-promote pa. At siyempre kay Ms. Cheryl Cosim na ngayon ay lumipat sa TV5 na bilang news anchor.
Sa mga nakalipas na buwan, si Ms. Joan Gonzales na ang bagong Executive Producer ng Salamat Dok. At kahit bago pa lamang si Ms. Joan Gonzales ay nakikita na natin ang mga pagbabago at improvements sa programa.
Ayon sa mga tao, maganda ang credentials ni Ms. Joan. At sa katunayan ay nag-umpisa siya sa mababang puwesto sa ABS-CBN. Dahil sa kanyang galing at pagsisikap ay unti-unting tumaas ang puwes-to ni Ms. Joan, hanggang maging Executive Produ-cer siya ng Umagang Kay Ganda at Salamat Dok.
Sobrang daming para-ngal na ang tinanggap ng Salamat Dok: 3 Anak TV Awards, 1 Golden Dove Award, 1 USTV Award at marami pang iba.
Congratulations po sa ABS-CBN at sa staff ng Salamat Dok.
Sana ay mas marami pa tayong matutulungan.