^

PSN Opinyon

Hao shao na dental lab, hulog sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KUNG hindi naman kinakailangan, mas makabubuting huwag nang palagyan ng retainer o braces ang inyong mga ngipin.

May mangilan-ngilan kasi, kahit hindi naman payo ng doktor pero uso, sige ang palagay ng kung anu-anong kolorete sa ngipin.

Dahil baka makatagpo kayo ng mga nagpapanggap na dentista at dental technician at maisalang kayo sa kanilang mga hao shao o bogus rin na dental laboratory.

At dahil hindi lehitimo ang establisyamento at hindi rin tunay na mga propesyunal ang mga gumagawa rito, siguradong bara-bara ang proseso sa loob.

Katulad na lamang ng R & E Laboratory sa Talanay, Batasan Quezon City na isinumbong sa BITAG.

Biktima si Perry nang maling paggawa ng pustiso at nasaksihan niya mismo ang maruming paggawa nito.

Sumbong ni Perry, sa lababo lamang daw hinuhulma ang mga retainer at pustiso. At ang gamit na panukat sa bunganga ng kostumer ay pinagpapasa-pasahan lamang.

Ayon sa Philippine Dental Association, dapat, disposable ang mga ginagamit na panukat sa bibig ng mga pasyente.

Hindi maaaring paulit-ulit na gamitin ito sa iba’t-ibang tao dahil pagmumulan ito ng sakit tulad ng hepatitis, tetanus, leptospirosis atbp lalo na kung ang isang pasyente ay may sakit o may impeksiyon na.

Subalit sa dalawang beses at magkaibang araw na pagsurveillance ng BITAG sa inirereklamong dental laboratory, iisa lamang ang panukat na ginamit nito sa aming mga undercover.

Ni walang gloves na gamit ang mga tauhan ng R & E Dental La­boratory. At ang mga kagamitan tulad ng spatula, mixing bowls at iba pa, hinuhugasan lamang gamit ang tubig sa gripo.

Subalit gaano man karumi at kababoy ang kanilang proseso, marami-rami ang kanilang kostumer. Kasi naman sa halagang tatlong daaang piso, may up and down retainer ka na, may pustiso ka pa.

At tulad ng inaasahan, nang magsagawa ng operasyon ang PDA kasama ang Wanted sa Radyo at BITAG, walang mga kaukulang permit ang nasabing establisyamento.

Babala ng PDA, bawat Dental Laboratory ay kinakailangang may permit mula sa Department of Health upang masuri kung pasado ito sa kanilang pamantayan.

Kinakailangang lehitimong dentista rin ang magsusukat sa isang pasyente kung kinakailangan nito ng retainer, brace at pustiso. Trabaho naman ng isang lisensiyadong dental technician ang paggawa ng mga ito.

Mas makabubuti ang mag-ingat at komunsulta sa totoo kesa tumangkilik ng hao shao na serbisyo. O di naman kaya ay matutong makuntento at baka makasama ang pagi-ging sobrang maka-uso.

vuukle comment

AYON

BATASAN QUEZON CITY

DENTAL

DENTAL LABORATORY

DEPARTMENT OF HEALTH

E DENTAL LA

E LABORATORY

PHILIPPINE DENTAL ASSOCIATION

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with