^

PSN Opinyon

Santisima Trinidad

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

Ipinagdiriwang ngayon ng sanka-kristiyanuhan ang Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos (Holy Trinity o Santisima Trinidad). Ito’y itinalaga ni Papa Juan XX11 noong 1334. Ang trinidad kung ihahambing natin sa ating pagka-tao ay ang katumbas ang katauhan ng Diyos bilang Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa pangangaral ni Hesus ay sinasabi Niya tuwina: “Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo”.

Ang kauna-unahang nilikha ng Diyos ay Karunungan bago pa likhain ang langit at ang mundo. Ang laging kasama at katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang gawain ay Karunungan. Naging lubos ang kanyang ligaya ng likhain ng Diyos ang sangkatauhan. Noong likhain tayo ng Diyos ay ibinigay na sa atin ang Karunungan. Lubos ang ating pagkatao sapagka’t binigyan tayo ng Karunungan. Magpasalamat tayo sa Kanya tuwina at dapat natin itong alagaan, pagyamanin at ingatan.

Sa papasok na buwan ng Hunyo ay simula na naman ng pag-aaral ng ating mga kabataan. Dapat nilang paunlarin ang kauna-unahang biyaya na ibinigay sa atin ng Diyos noong tayo’y Kanyang likhain sa sinapupunan ng ating ina, ang ating karunungan. Walang ma­kapagsasabi na siya’y walang karunungan, iba’t-iba lamang ang katangian. Ito ang tinatawag nating Talino. Kaya’t merong manggagamot, guro, mangangalakal, tagapagtanggol, manunulat, mamamahayag, pintor, inhenyero, mang­gagawa sa lupa, dagat at himpapawid at marami pang iba. Naroon din ang gawain at karunungan sa pagta­wag ng Diyos upang ipahayag ang mabuting balita. Bo­kasyon.

Kaya’t paalaala sa mga mag-aaral na pag-ingatan ang bigay ng Diyos na karunungan upang paunlarin ang

 bawa’t isa. Tamasahin natin ang kagandahang-loob ng Diyos at lubos na pag-asa sa Kaluwal­hatian sapagka’t ang pagtitiyaga sa inyong lubusang pag-aaral ay magbubunga sa tulong ng Espiritung Banal.

Laging manalangin sa Espiritu Santo upang liwanagan ang inyong isipan at paunlarin ang karunungan. “Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan Niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan”. Huwag ninyong sirain ang inyong karunungan sa pagiging alipin ng mga internet na pawang paglalaro lamang. Gamitin ninyo ang teknolohiyang iyan upang paunlarin ang inyong Karunungan at kabanalan.

Kawikaan 8:22-31; Salmo 8; Rom 5:1-5 at Jn 16:12-15

ANAK

DAKILANG KAPISTAHAN

DIYOS

ESPIRITU SANTO

ESPIRITUNG BANAL

HOLY TRINITY

IISANG DIYOS

KARUNUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with