^

PSN Opinyon

Mga dakila at bayaning seamen

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Napakalaki talaga ng tulong ng mga OFWs natin sa bansa. Isang bahagi ng mga ito ay ang mga seamen. Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines(TUCP), tumaas pa ng 11.04 percent ang mga pinadalang dolyar ng mga seamen sa unang quarter ng 2010 kumpara sa parehong panahon noong 2009. Eight hundred eighty-eight millon dolyar ang pinadala ng mga seamen! Suwerte pa ang numero! Dahil dito, nananatiling mababa ang palit ng isang dolyar ang ating piso, bagama’t siguradong mas gugustuhin ng mga OFW at kamag-anak nila ang mataas na dolyar. Maganda ang reputasyon ng mga Pilipinong seamen, kaya mas hinahanap ng mga kumpanya ito. Masisipag, marunong mag-Ingles kahit papano.

Karamihan ng mga seamen ay nagtatrabaho sa mga kumpanyang base sa Europe. Sa ngayon, maganda pa ang hinaharap ng mga seamen doon, pero may pangamba raw sa nagaganap sa Greece kung saan tila bumabagsak na ang ekonomiya. Kailangan lang ipagdasal na magpatuloy ang magandang trabaho ng mga seamen. Pero may mga peligro rin sa ganitong hanapbuhay. Ilang mga Pilipino na seamen ang nabihag na rin ng mga pirata sa Somalia. Kapag napapadaan ang kanilang mga barko malapit sa nasabing bansa, mataas ang insidente na ma-hijack at mabihag hanggang sa magbayad ng pantubos ang kumpanya.

Ito naman ang hindi pa masugpo-sugpo ng mga otoridad ng lahat ng bansa. Di ko rin maintindihan kung bakit hindi na lang lagyan ng mga sundalo ang mga barkong bumabaybay ng Gulf of Aden kung dito laganap ang mga pirata. Mas mura naman siguro ang lumaban na lang sila kaysa magbayad ng pantubos na inaabot ng milyon-milyon na dolyar. Kung mahina na nga ang ekonomiya, bakit pa magpapa-abuso ng ganito sa mga kriminal?

Mahalaga ang mga seamen sa ekonomiya ng Pilipinas. Pero kung lagi naman silang malalagay sa peligro, anong silbi naman niyan? Dapat gumagawa ng mga hakbang ang mga kumpanya para maprotektahan ang kanilang mga barko at tauhan. Kung hindi makakaiwas sa “pirate alley” o ang Gulf of Aden, dapat handa silang depensahin ang barko mula sa mga pirata. Kung lagi na lang bibigay sa mga hinihingi ng mga pirata, hindi ito titigil.

AYON

DAHIL

DAPAT

GULF OF ADEN

ILANG

KUNG

PERO

SEAMEN

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with