^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nagkukumahog ang PCGG sa mga alahas ni Imelda

-

KAHINA-HINALA ang mga ikinikilos ng Presi­dential Commission on Good Government (PCGG) ngayong papatapos na ang termino ni President Arroyo­ at paparating naman ang gobyerno ni Noynoy Aquino. Tila may mga kaduda-dudang galaw ang komisyoner ng PCGG. Hindi pa natatagalan nang lumu­tang ang isyu sa pagitan ng PCGG at ng Marcoses na may kaugnayan sa ill-gotten wealth. Inamin ni PCGG commissioner Ricardo Abcede na nakipag-usap siya kay Greggy Araneta, manugang ng namatay na diktador na si Ferdinand Marcos, sa posibleng “universal settlement” ng P140 billion na yaman. Pero itinanggi naman ni Araneta ang settlement. Wala raw midnight deal na nangyayari.

Ngayon naman ay ang mga alahas ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos ang may isyu. At si Com­missioner Abcede na naman ang nasa balita. Gusto ng PCGG na ma-auction na ang mga confiscated na alahas ni Imelda bago raw matapos ang termino ni Mrs. Arroyo. Kapag daw na-auction ang tinatayang P15-bilyon na mga alahas, malaki ang maitutulong sa Arroyo at bagong gobyerno ni Noynoy. Ang lahat daw ng perang mapagbibilhan ng alahas ay ilalagak sa national treasury. Ayon sa report, patungo na sa bansa ang top officer ng Christie’s auction house mula London para makipag-usap sa PCGG para sa posibleng auction. Ang mga alahas na posibleng ma-auction ay yung mga naiwan ni Mrs. Marcos sa Mala­cañang nang tumakas sila noong 1986. Kasama rin doon ang mga nakumpiskang alahas nang dumating sila sa Hawaii.

Mahigit isang buwan na lamang sa Malacañang si Mrs. Arroyo at kung kailan siya aalis ay saka naman nagku­kumahog ang PCGG na ma-auction ang alahas. Bakit hindi pa ito ginawa noon para napakinabangan na mamamayan na sakmal ng kadahupan? Bakit ngayon lang? Masyado kayang naging abala sa pagbi­biyahe ang mga commissioner ng PCGG kaya hindi nila nagawa ang pag-auction o maski ang pag­bawi sa iba pang “ill-gotten wealth” ng mga Marcos.

Ang PCGG ay itinatag ng Aquino administration noong 1986 para habulin ang mga nakaw na yaman ng napatalsik na diktador pero nawalan ng silbi. Walang pakinabang sa PCGG sa kabila na malalaki ang suweldo ng mga opisyal na iniupo rito. Nara­rapat magkaroon ng pagbabago sa PCGG sa lide­rato ni Noynoy para ganap na mabawi ang mga nakaw na yaman. Palitan ang mga iresponsableng opisyal ng PCGG!

ALAHAS

AUCTION

BAKIT

FERDINAND MARCOS

GOOD GOVERNMENT

GREGGY ARANETA

MRS. ARROYO

PCGG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with