'Pulis-Rambo! (1)'
NORMAL na sa BITAG ang makasama ang mga alagad ng batas sa lahat ng operasyon at kasong aming tinatrabaho.
Kabisado na namin kung paano sila kumilos at kung gumagawa sila ng tama sa kanilang trabaho, alam din namin kung reputasyon lamang at gawang palpak ang kanilang estilo.
Bilang mga alagad ng batas, mapa-pulis man o National Bureau of Investigation (NBI), military, panghimpapawid o pandagat, responsibilidad nilang lipulin ang masasamang elemento.
Subalit kung mga alagad ng batas mismo ang inirereklamo dahil sa kanyang kasamaan at pang-aabuso, kami mismo ang manghihimasok.
Isang kaso ng pang-aabuso ng isang pulis ang inilapit sa tanggapan ng “Wanted sa Radyo” ng kapatid kong si Raffy Tulfo.
Grupo ang nagrereklamo laban sa pulis na kanilang tinutukoy, iisa rin ang laman ng kanilang sumbong. Ang pulis daw na kanilang kapitbahay, ala-rambo.
Walang habas raw na nagpapaputok ng kanyang baril sa kanilang barangay. Kaya naman sunod-sunod ang mga nasugatan at namatay sa kanilang lugar.
Ang inirereklamong pulis, nakilalang si SPO2 Delfin Deudor ng Station 11 sa Galas, Quezon City.
Tinawagan ng BITAG ang mga opisyal ng Station 11 sa Galas, Quezon City kung ano ang naging aksiyon o resulta man lamang ng kanilang imbestigasyon sa reklamong ito.
Subalit nagkabuhol-buhol ang dila ng aming nakausap, masabi lamang na may tinrabaho sila sa kaso dahil ang katotohanan wala pa silang ginagawa sa reklamo.
Kaya iniakyat ng “Wanted sa Radyo” at BITAG ang kasong ito sa National Capital Region Police Office upang maipatawag ang inirereklamong pulis na si Deudor.
Subalit walang nagreport na SPO2 Deudor sa tanggapan ng NCRPO, hindi ito humarap sa amin, sa mga nagrereklamo at sa kanyang opisyal na si Col. Rommel Miranda ng NCRPO-PIO.
- Latest
- Trending