^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag magmaskara kung maglalantad ng katotohanan

-

NANG isulong ang batas para sa pagkakaroon ng automated election, ang nasasaisip ay hindi lamang ang mabilis sa resulta kundi mawawala na rin ang akusasyon ng dayaan. Mawawala na ang sinasabing “dagdag-bawas” at hindi na rin maaalala ang “hello Garci” noong 2004 elections o maski ang ginawa ni Lintang Bedol noong 2007 elections. Pero marami ang nagulat sapagkat, isang linggo makaraan ang automated election, dumagsa na ang mga reklamo at akusasyon na nagkaroon ng dayaan. Kung gaano kabilis ang paglabas ng resulta ng mga boto, mabilis din naman ang mga akusasyong nadaya sila. Nagkaroon daw ng “hokus-PCOS”. Ang PCOS (precinct count optical scanner) ang machine na ginamit sa election.

Kabilang sa mga nagrereklamo na nagkaroon ng dayaan ay ang mga presidentiables na sina Jamby Madrigal, JC delos Reyes at Nicanor Perlas. Ang tatlo ay pawang natalo. Ang iba pang presidentiables na sina Manny Villar, Gibo Teodoro, Richard Gordon at Bro. Eddie Villanueva ay nag-concede na kay Noynoy Aquino na nangunguna sa botohan. Tanging si dating Joseph Estrada ang hindi pa nagko-concede. Pumapangalawa si Estrada sa presidential race.

Dumadagsa ang reklamo na sila ay dinaya at sinabi naman ng Commission on Elections na walang nangyaring dayaan. Tagumpay ang automated election. Maski ang Smartmatic ay nakatikim na ng masasakit na salita hinggil sa umano’y dayaan.

Lumutang ang isang umano’y whistle blower na nakamaskara pa ng “koala bear” at dinetalye ang mga pandaraya. Binanggit niya ang mga kandidatong nakinabang kapalit nang malaking halaga ng pera. Pero ang nakapagtataka ay wala namang maipa­kitang konkretong ebidensiya.

Kung totoo ang sinasabi ng whistle blower, maaari siyang maituring na bayani. Pero kung nagsasabi siya ng totoo, bakit kailangan pa niyang magmaskara. Kung totoong nagkadayaan, dapat agad siyang lumantad at nang natigil na habang nagtatransmit ng boto ang PCOS. Pinalipas pa niya ang ilang araw bago lumantad at naka-maskara pa. Ang nagsasabi ng katotohanan ay hindi nagtatago ng mukha.

vuukle comment

EDDIE VILLANUEVA

GIBO TEODORO

JAMBY MADRIGAL

JOSEPH ESTRADA

LINTANG BEDOL

MANNY VILLAR

NICANOR PERLAS

NOYNOY AQUINO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with