HALOS marinde ang madlang people sa Philippines my Philippines sa umuugong na tsismis na dinede este mali dinaya pala ang mga natalong candidates last May 10 election kaya naman ang iba sa kanila ay parang mga bakang umaatungal.
Sabi nga, mooooooowwwwwww!
Samantala, sa mga nanalong kandidato sinasabing nandaya naman ang mga ito kaya sila ang nagwagi sa election.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas maganda sigurong mag-protesta at magbayad ang mga talunan candidates para mabilang ulit ang kanilang mga boto para mapatunayan kung talagang dinaya sila.
Kaya lang kung kailan matatapos ang bilangan sa Philippines my Philippines iyan ang problema ninyo basta ang importante uupo ang mga nanalong kandidato.
Sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, na ever ready silang magpaliwanag sa kung magkakaroon ng investigation ang Congress tungkol ito sa mga tsismis na nagkaroon ng dayaan regarding sa katatapos na poll automation.
Gusto kasi ng mga bright people na mabigyan ng liwanag ang mga controversial issues regarding sa automated election.
Kaya naman ang PPCRV, ay gustong magpa-media mileage este mali maimbitahan pala tungkol sa gagawing investigation ng Congress. Kung kailan iyan ang hindi alam ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Alam ng madlang people sa Philippines my Philippines at sa buong mundo na nagkaroon ng malinis at mabilis na result sa halalan dahil ang nangyaring election last May 10 ay kauna-unahan sa mundo.
Ang problema nga lang marami ang umaalma na hindi mapakalma dahil mga talunan kaya ang gusto ng iba dyan ay magkaroon ng imbestigasyon.
Ika nga, protest rally ang gusto.
Sabi nga, ang natalo - nadaya , ang nanalo ay nandaya. hehehe!
Beautiful din na magkaroon ng imbestigasyon para maliwanagan ang mga nag-i-illusion.
Kasi kung hindi sila mapagbibigyan baka sila mabuwang at sa mental sila mapunta.
Ang ibig sabihin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito iyong mga nangangarap na talunan.
Totoo kaya ito?
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin para sa kanila ay malinis ang election kung nagkaroon man ng patayan sa ibang lugar ay minimal lang ito kumpara sa mga nagdaan panahon.
At hindi na rin siguro mawawala ang patayan sa Philippines my Philippines dahil naging bisyo na rin ito ng ilang matatapang na nilalang ni Satanas.
Siguro dapat nilang alamin ang nangyari sa ginawang parallel count siempre kasabay todits ang transmission ng mga boto na ipinadadala sa Comelec.
Sabi nga, pag-aralan.
Sa mga kurap naman sa COMELEC palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang kumita todits dahil mabilis ang pangyayari at bilangan.
Ika nga, resulta agad!
Ang kailangan sigurong mangyari sa Philippines my Philippines politics ay magkaisa na sila para naman sumulong ang bansa upang maging progressive at hindi puro daldal.
Tama ba, kamote!
* * *
Si Bhea at Albert kuko
SILA ang tigasin broker ng mga smuggled cellphone sa Philippines my Philippines dahil misdeclaration ang lakad ng mga gago sa Port of Manila at MICP na kinukunsinte ng mga bugok na customs dahil kapalit ang malaking halaga ng pitsa.
Pangalan ni FG ang ginagamit ng mga ito at isang tontoh ang sinasabing nakapatong kina Bhea at Albert kuko. Take note, President to be Noynoy Aquino, Your Excellency.
Every Wednesday ang sikwatan blues ng mga smuggled cellphones nina Bhea at Albert kuko.
Sabi nga, lumalabas sa MICP at POM.
Sa isang lugar malapit sa Sta. Ana Church dyan sa Manila dinadala ang smuggled cellphones pero dati sa isang lugar sa Romualdez St., sa Tondo ito ibinababa kaya lang uminit ito sa mata ng mga tulisan sa pitsa dahil dumami ang tinatarahan ng dalawang kamoteng kuko.
Trio los bobos daw ang gamit na forwarder umaabot sa 10,000 pirasong smuggled cellphones ang pinupuslit ng dalawang kamote.
Pareho ang lakad nila Bhea at Albert kuko kung sina Mr. Wong at Mr. Frank ang pag-uusapan dahil ang dalawang huli ang siya naman nagpapahirap sa mga magsasaka dahil sa pagpupuslit ng mga sibuyas, bawang at iba pang agricultural products papasok ng Philippines my Philippines.
Abangan.