^

PSN Opinyon

Mga karera ng ating panahon

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MaY liwanag na ang resulta sa posisyon ng Pangulo at Senador. Subalit hindi lang sila ang pangnasyonal na opisyal na mabibigyan ng bagong mando nitong 2010.

Mahigpit pa ang labanang MAR vs. JejoMAR sa Bise. Nakatutuwa ang bangayan ng dalawa, lalo na sa isyu ng loyalty. Hindi dapat pinatulan ni Sen. Mar ang isyu na ito. Si Mayor Binay ay kilalang tapat sa kanyang mga kaalyado. Kailanma’y hindi niya iniwan ang tatlong malaking Boss ng kanyang buhay Pulitika: Cory, FPJ at Erap. Si Sen. Mar? Naging gabinete ni Erap, tinalikuran si Erap. Naging gabinete at kandidatong Senador ni GMA, tinalikuran si GMA. Ibang isyu na lang Senador at medyo dehado ka dito.

Ang labanang Chief Justice naman ay tinapos na nung Lunes. Bigyan ng Korona si Corona at wala nang makapagpapaalis pa sa kanya sa puwesto ng Punong Mahistrado. Maliban lang kung impeachment na malabong mangyari. Hati ang lipunan sa isyu ng delikadesa ng kanyang pagtanggap ng posisyon. Subalit malinaw na hindi kinukuwestyon ng mayorya ang karapatan niyang maupo bilang hinirang ni Gng Arroyo. Napagpasiyahan na itong pinal ng Supreme Court – isyu lamang ito habang pinipilit ni Sen. Aquino. Ang mando ni Noynoy, kapag siya’y iproklama na, ay ang mamuno sa ilalim ng Saligang Batas at hindi sa labas nito tulad ng nangyari noong umpisa ng termino ng kanyang ina. Hindi ito revolutionary government kaya walang katwirang ibalewala ang mga desisyon ng Mataas na Hukuman.

At sa Senado. Senate President Pangilinan? Hindi natin alam kung pumupusisyon lang itong si Kiko o talagang paniwala siyang makukuha ito, angkas sa bulusok ni Noynoy. Karapatan niya ang mangarap. Pero huwag naman sana isakripisyo ang Senado sa altar ng ambisyon. Biruin mong ianunsyo na ang Senado ay kailangang kakampi ng bagong administrasyon upang ipatupad ang plataporma. Senador - tingnan ang komposisyon ng senadong hinalal. Hindi lahat ay Liberal Party. Translation: hindi na ginalaw ni Juan de la Cruz ang halo-halong membership ng Senado dahil ito lang ang natatanging paraan upang ang pagiging independiente nito ay mapanatili. Sa mga madugong usaping pampubliko nitong panahon ni Gng Arroyo, hindi ba ang Senado lamang ang naging takbuhan nang ang House at ang Supreme Court ay tumaob sa pressure ng Malakanyang? Oo at iba si Noynoy kay Gng. Arroyo - pero kailangan ng Pinoy ng kumpiansa sa isang institusyong alam nilang laging iuuna ang interes ng sambayanan sa interes ng isang tao lamang.

Ang Speakership? Aba­ngan ang susunod na kabanata.

ANG SPEAKERSHIP

CHIEF JUSTICE

ERAP

GNG ARROYO

LIBERAL PARTY

NOYNOY

SENADO

SENADOR

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with