^

PSN Opinyon

A true Patriot, Officer and a Gentleman si Verzosa

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

YESTERDAY, flag raising ceremony sa Camp Crame, nagpasalamt si CPNP Jesus Ame Verzosa, hindi lang sa kapulisan sa Philippines my Philippines, kay Lord at sa lahat ng stakeholders sa peaceful and orderly election last May 10, 2010.

Sabi nga, thank you, Lord!

Sa talumpati ni Jess nagulat ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay hango sa bible... “IN THE GOSPEL OF JOHN, chapter 3, verse 30, John Lennon este mali The Baptist said this regarding Jesus Christ.... “HE MUST INCREASE AND I MUST DECREASE.” SO WITH PASSION I SAY, THE PNP AS AN INSTITUTION MUST INCREASE, AND I, AS A PERSONALITY - ALONG WITH ALL OTHER PERSONALITIES - MUST DECREASE.”

Base sa nasabing salita ni Lord ang kanyang pagsusumite ng ‘courtesy resignation’ sa new President of the Republic of the Philippines my Philippines to give way para mabigyan laya ang malakanin este mali Malacañang pala sa pagpili ng bagong Chief of Philippine National Police.

Sabi nga, eto ang tunay na tatak ni Jess!

Bakit?

Sagot - mapagpakumbaba at walang halong ‘HUBRIS’ sa katawan si Verzosa kasi isinanla este mali isinaalang-alang nito ang institution ng higit sa sarili.

Hindi katulad ng iba dyan na nagpapakamatay at gumagawa ng paraan sirain ang kredibilidad sa mga taong nakalinya para maging CPNP.

Noong tumakas si Al yosi este mali Ghozi pala ang notorious na terorista na nagpasabog ng LRT echetera na ikinamatay ng maraming pinoy madlang people ‘ora mismo’ nag-tender ng resignation si Jess dahil siya ang PNP Director ng Intelligence group dahil sa nangyaring pagtakas ni Ghozi sa intel piitan dyan sa Crame.

Dahil sa pangyayaring ito katakut-takot na intriga ang nangyari pinag-initan ang dating CPNP Hermogenes Ebdane, ng kanyang mga enemy para masibak sa puesto at para dehins maapektuhan ang superior bossing at ang buong PNP, mabilis at nagkusa si Jess na mag-resign.

Hindi tulad ng pakaang - kaang sa gobierno na nakapuesto na kapit tuko at makapal ang face na kumukuha pa ng TRO sa korte huwag lang ma-relieve sa puesto.

Kahit nasa floating status si Verzosa ay hindi tinigilan nito ang manhunt operation sa gagong animal na si Al Ghozi kaya naman sa kasuertihan palad ng kamote sa katatago.....dedo ito sa Mindanao.

Sabi nga, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa!

Balik isyu, sa talumpati ni Jess yesterday ay ipinag-utos nito sa lahat ng kapulisan sa Philippines my Philippines ang patuloy na pagsulong sa Integrated Transformation Program ng PNP.

Sabi nga, pag-ibayunin at palakasin ang reform hacienda este mali agenda pala.

Sabi pa ni Verzosa, ‘now, as the election fever dies down and the hupe surrounding the automated elections subsides, the real challenge emerges - as it was stated in the pastoral message of the Philippine Council of Evangelical Churches entitled, ‘rebuilding our nation.’ In the PNP, our contribution to this call si to sustain the gains of the ITP and continue its implementation with renewed passion.

Sabi ng mga expert, ‘if we transform the police, we transform our nation.’

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabuhay ka Chief PNP and God Bless the Philippines my Philippines.

Si Mr. Wong at si Mr. Frank

Grabe as in grabe ang mga sinasabing smuggler sa Bureau of Customs kaya naman maraming nag-iiyakan mga magsasaka sa Philippines my Philippines dahil naapektuhan ng malaki ang kanilang mga produkto tulad ng sibuyas, prutas, baboy, baka, manok echetera ang iba ay nalubog sa utang dahil sa mga imported goods.

Isa sina Mr. Wong at si Mr. Frank ang dahilan kung bakit nag-iiyakan ang ating mga farmer sa Philippines my Philippines dahil itong mga kamote ang nagpahirap sa kanila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang simpleng smuggler sina Mr. Wong at si Mr. Frank, bigtime smuggler sila at isa sa malaking player sa Manila International Container Port.

Sabi nga, economic saboteur!

‘Kapos ang column ng Chief Kuwago Senator Noynoy Aquino sa susunod abangan para matigil na ang mga kamote na pinagkitaan ng mga bugok na customs at mga tekamots na pulitiko.’

‘Wait and read !’

AL GHOZI

BUREAU OF CUSTOMS

CAMP CRAME

LSQUO

MR. FRANK

MR. WONG

PHILIPPINES

SABI

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with