^

PSN Opinyon

Gulo at krisis sa paraiso

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KILALA ang Thailand dahil sa turismo. Maraming turista ang dumadayo sa bansang ito dahil sa murang shopping, makasaysayang mga lugar at higit sa lahat, may magagandang beaches at resorts. Sa katunayan, nasasapawan ng Thailand ang mga magagandang lugar natin dahil mas maganda at agresibo ang marketing nila sa mundo. Sa madaling salita, hindi sila nagtitipid kapag pagbebenta sa kanilang bansa ang pag-uusapan. Pero nitong mga nakaraang linggo, nalulubog na sa krisis at gulo ang Thailand.

Sa nakaraang dalawang araw lang, 24 na ang namamatay at daan-daan ang nasusuga­tan sa sagupaan ng mga pulis at protesters. Lumalala ang krisis dahil mistulang civil war na ang nangyayari. Lahat nang namamatay ay mga sibilyan at demonstrador. Pero hindi natitinag ang “Red shirts” kung tawagin, at patuloy pa rin ang kanilang protesta kahit unti-unti na silang pinaliligiran ng mga pulis. Dahilan ng gulo? Reporma sa gobyerno at eleksyon ang hiniling ng “’Red shirts’’ na kilalang supporters ni Thaksin Shinawatra na napatalsik sa isang coup d’etat noong 2006.

Ang nagaganap sa Thailand ay tulad na rin ng mga naganap dito sa Pilipinas noon. Kung mapapanood ninyo ang mga balita sa TV, aakalaing sa Pilipinas nangyayari ang gulo. Parang mga Pilipino ang itsura ng mga Thai, at puro flyover din ang makikita mo sa mga lugar kung saan nagkakasagupaan ang mga pulis at demonstrador. Ganundin ang dahilan. Reporma sa gobyerno, away ng mahirap at mayaman, kanya-kanyang kinakampihang pinuno. Hindi maiisip na mangyayari sa Thailand na kilalang masunurin sa gobyerno. Kasi may hari pa rin na mas mataas ang posisyon sa kahit sinong pangulo o punong ministro. Pero ang balita ay may sakit na ang hari at hindi nakapaglalabas ng mga pasya ukol sa gulo. Maaaring paraiso nga ang Thailand, pero ngayon, impiyerno na para sa marami lalo sa malapit sa lugar ng mga sagupaan. Baka matagalan pa bago maibalik ang pagkakakilala sa Thailand.

Mabuti na lang at hindi sa bansa natin nagaganap ang ganitong klaseng gulo. Hindi natin kailangan ang mga ganyang pangyayari ngayon. May bagong administrasyon na. Kailangang linisin ang iniwang mga problema, at habulin ang mga nagawang pagkakamali.

DAHILAN

GANUNDIN

KAILANGANG

PERO

PILIPINAS

REPORMA

THAILAND

THAKSIN SHINAWATRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with