^

PSN Opinyon

Pag-akyat sa langit ni Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

SA ating mga Kristiyano, ngayon ang araw na ipinagdiriwang ang pag-akyat sa langit ni Hesus. Ascension of the Lord. Kakaiba naman ito sa Assumption of the Blessed Virgin na ang ibig sabihin ay pag-aakyat sa langit kay Maria ng mga anghel. Tinagubilinan ni Hesus ang mga alagad na sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay ipahayag ang Kanyang itinuro ukol sa paghahari ng Diyos. Sa tagubiling ito natin ipinagdiriwang ang World Communication.

Muli nating “hilingin sa Diyos na pagkalooban tayo ng Espiritu ng karunungan at tunay na pagkakilala sa kanya; liwanagan ang isip upang malaman ang mga inaasahan sa pagtawag sa atin. Nasa ilalim ng kapangyarihan ni Hesus amg lahat ng paghahari, kamahalan, kapangyarihan at pamunuan”.

Tamang-tama at ugnay na ugnay ang ating pagdiriwang ngayon sa katatapos na halalan dito sa ating bansa na ito’y natalastas sa buong daigdig. Binabati ko ang lahat ng ating mga mananalastas: Radio, telebisyon, diyaryo, telepono, cell phone, internet at lahat ng uri ng babasahin na nagpahayag sa mga naganap at maayos na halalan sa kabila ng mga pagsubok, subali’t patuloy na nakipag-ugnayan. Buong puso kong binabati ang

GMA TV 7, Radio Veritas, CBCP Media at ang PSN sa pag-aalay sa Panginoon ng lubusang sakripisyo upang ipahayag ang katotohanan sa naganap na halalan.

Maging nitong nakaraang Huwebes May 13, pista ng Mahal na Birhen ng Fatima ay pinasinayaan ni Kapanalig Lany Cabral ng Veritas 846 ang pagbubuo at pag-aanyaya sa matagumpay na pag-aalay ng Thanksgiving Mass for Unity and Peace na isinagawa sa Manila Cathedral sa pamumuno ni His eminence Gaudencio Cardinal Rosales at mga obispo ng Metro Manila.

Nagsidalo rin ang HALALAN 2010 election partners: PPCRV, Comelec, KofC, SLB, AMRSP, LAITY, YOUTH PINOY, PNP, CARITAS MANILA at KAPANALIG Community. Inanyayahin din ni Lany ang mga kumandidato sa nakaraang halalan.

Sa mga nanalo: Binabati ko po kayo at ipagpatuloy ninyo ang inyong misyon na ipahayag ang katotohanan at kapayapaan sa ating bansa.

Binabati ko rin si Bishop Rudy F. Beltran, obispo ng Bontoc-Lagawe sa kanyang ika-apat na ta- ong anibersaryo bilang obispo.

Gawa 1:1-1-11; Salmo 46; Efeso 1:17-23 at Lk 24:46-53

ASCENSION OF THE LORD

ASSUMPTION OF THE BLESSED VIRGIN

BINABATI

BISHOP RUDY F

DIYOS

ESPIRITU SANTO

GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

HESUS

HUWEBES MAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with