^

PSN Opinyon

Si Luding, the financer at Julius, the administrador

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TUMITINDI ang operasyon ng jueteng sa buong Baguio at La Union hindi ito mapigilan ng mga kamoteng authorities todits dahil sa million halaga ng salapi na ibinigay sa kanila monthly ni Luding, ang jueteng gambling lord sa nasabing lugar.

 Si Julius, sinasabing burongoy kupitan sa Candelaria, Que­zon ang administrador ni Luding sa kanyang jueteng operation sa Baguio at La Union.

 Sabi nga, taga-kumpas sa sugalan blues.

 Si Julius, ay isang government official dyan sa Candelaria na pinasasahod ng madlang people pero ang konsentrasyon ay nasa Baguio at La Union dahil dito siya kumikita ng limpak-limpak na salapi galing sa kanyang among si Luding.

 Ika nga, bongga na galing pa!

 Dapat mabusisi ng bagong gobierno si Luding sa kanyang illegal operation at ma-double check ng Bureau of Internal Reve­nue ang kanyang health este mali wealth pala kasi nagkamal ito ng malaking halaga ng salapi at sangdamakmak na ari-arian hindi lang sa Baguio kundi pati sa La Union para magkaalaman kung nagbabayad ito ng tamang buwis sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Lu­ding ay dayo sa Baguio dahil batang Candelaria, Quezon pala ito kaya naman sa Norte namayagpag at sinuwerte sa kanyang monkey business ang jueteng operation.

 Hindi mapatigil si Luding at Julius sa kanilang kagaguhan da­hil super lakas sila sa mga authorities sa mga nabangit na probinsiya dahil napakatindi nito mamudmod ng salapi para payagan at huwag mapatigil ang kanilang dayaan bolahan.

 Ang NBI lang ang nakapagpatigil ng jueteng operation ni Luding at Julius ng paghuhulihin sila sa Baguio sangkatutak na kubrador ang nasungkit ng mga ahente ng NBI kaya naman ngal-ngal ang gambling lord.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinu­luyan ng NBI ang may 80 kubrador ni Luding ng mahuli nila ang mga ito kaya naman tumigil ng halos dalawang linggo ang kanilang jueteng operation.

 Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, naggagalaiti sa galit si Luding ng mahuli ang kanyang mga alaga sa Baguio dahil alam niyang may grupong nagpatira sa kanya ang pinag­susupetsahan ay si ‘double A.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, muntik ng magpatayan ang dalawang grupo dahil sa pangyayaring hulihan blues buti na lang at may padrinong malakas si Luding at namagitan sa matinding away ng mga gambling lords.

 Napagalaman, pinatira naman ni Luding sa isang grupo from the DILG ang operasyon ni ‘double A’ sa Cagayan at Bicol kaya nagwawala naman ang mga alipores ng huli.

 Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil si Julius ang administrador ni Luding sa jueteng ay dehins na nakikita sa Candelaria, Quezon kasi isa itong barangay kawatan sa isa sa mga lugar doon.

 Sabi nga, iniwan ang kanya constituents.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kakapain nila ang mga lugar sa Baguio at La Union para malaman ng madlang public kung nasaan ang mga operasyon ni Luding .

 Abangan. 

Cell phone smuggling from China malala

 NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit nag­kalat ang China made cell phone sa Republic of the Philippines my Philippines at pine-peke pa ang mga branded cell phones tulad ng Nokie , Samsung echetera.

 Anong silbi ng mga taga - NTC regarding this matter.

 Sagot - wala. Hehehe!

 Ang mga pekeng cell phones ay nagkalat sa 168, Quiapo, Pasay, Manila, Cebu, Davao at marami pang places na nabibili sa murang halaga dahil walang binabayaran itong buwis sa gobierno ang nakikinabang lang ay iilan mula sa tanggapan ng mga kamoteng bugok dyan sa BOC.

 Bakit?

 Ang mga pekeng cell phones ay walang NTC sticker, bakit?

 May padulas.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Siguro panahon na para pag-aralan ng new government ang NTC.

 ‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago abangan at tatalakayin natin kung saan ibinabagsak ang mga pekeng cell phones na ito’

 Sabi nga, wait and read!

AYON

BAGUIO

CANDELARIA

DAHIL

KUWAGO

LA UNION

LUDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with