^

PSN Opinyon

4 na ibang gamit ng cell phone

SAPOL - Jarius Bondoc -

DAPAT ilakip sa kotse, bag o pitaka ang mga impormasyon na ito -- mga gamit ng mobile phone sa emergency:

(1) Naka-program sa lahat ng cell phone ang “112” pang emergency. Miski wala sa sariling coverage area maari i-dial ang “112” para maghanap ng network, at magagawa ito miski naka-lock ang keypad.

(2) Naikandado mo ang susi sa loob ng kotse, nakakabit sa keyless entry. Imbis na umuwi pa, itawag sa kasambahay na kunin ang spare key at pindutin ito sa tinawagang linya. Itapat sa susian ang cell phone. Mata-transmit ang sound signal na magbubukas sa kotse.

(3) Low-battery ka na pero may importanteng tatawagan. I-dial ang “*3370#” para ma-activate ang reserve power; papalo nang kalahati. Maibabalik ang reserve power sa susunod na pag-charge.

(4) Pangontra sa magnanakaw: pindutin ang “*#06#” para makopya ang 15-digit serial number ng cell phone. Kapag manakaw ito, itawag ang serial number sa service provider para ma-deactivate ang telepono. Miski palitan ang SIM, patay na ang unit; hindi magagamit o maibebenta. Kung lahat tayo ay gagawin ito, mawawalan na ng saysay ang pagnanakaw ng cell phones.

* * *

Bagong modus operandi ng con artists, gamit ang cell phone:

Tatawagan ka, kunwari taga-service provider, ipa-o-off ang cell mo nang dalawang oras para umano makatanggap ng bagong 3-G update.

Samantala, tatawagan nila ang asawa, anak o magulang mo para sabihing nasa kamay ka nila at kailangan magbayad ng ransom sa loob nang dalawang oras para sa iyong kalayaan.

Kapag nag-on ka ng phone nang wala pang dalawang oras, pipilitin ka mag-off nang isa pang oras. Kung hindi ka sumunod, tatawagan ka nang walang patid hanggang ma-dead battery ka.

Kaya, huwag maniwala sa utos ng estranghero.

vuukle comment

CELL

IMBIS

ITAPAT

KAPAG

KAYA

MAIBABALIK

MATA

MISKI

NAIKANDADO

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with