^

PSN Opinyon

'Dahil sa konsensiya ni Verlito.'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KONSENSIYA ang nagtulak sa isang kasambahay para ibuking ang panloloko at panggagantso ng kaniyang pinapasukang placement agency.

Kasama ang kaniyang amo mula sa Parañaque, nagsumbong sa BITAG si Verlito hinggil sa panloloko ng Build Keeper Agency at Hauswork

Employment Services, sa Las Piñas City.

Modus daw ng ahensiya na ito na turuang magsinunga-ling at gumawa ng paraan ang kanilang mga pinapadalang katulong sa kanilang mga bagong amo na huwag tumagal ng isang buwan.

Maging pasaway, tamad, pala-absent sa trabaho at paggawa ng kung anu-anong alibay para lamang makaliban sa trabaho ang ilan sa mga itinuturo sa kanila ng nasabing agency.

Nakumpirma ng BITAG ang sumbong na ito nang ipinakita mismo sa amin ng nakonsensiyang kasambahay ang mga text messages na instruction ng mga empleyado ng Build Keeper Agency at Hauswork Employment Services.

Pinatawagan rin namin kay Verlito ang mga empleyado ng agency, at naidokumento ang pag-utos ng mga ito sa katulong na takasan na lang ang kaniyang amo.

Dahil sa bawat bagong katulong na ipinapadala ng agency, may panibagong bayad sa placement fee.

Dito, pumayag si Verlito na makipagtulungan sa BITAG. Siya na rin mismo ang nagbitbit ng surveillance gadget sa loob ng agency upang maidokumento ang pagmumukha at aktibidades ng mga empleyado nito.

Ang inaasahan naming opisina ng agency, isang bahay lamang pala. At ang mismong sumalubong kay Verlito, ang may-ari ng Build Keeper Agency at Hauswork Employment Services.

Tuwang-tuwa itong bumungad kay Verlito at nag-usisa pa at nagtanong na mabuti’t nakatakas raw ito. Tawag ng tawag raw ang pinasukan nitong amo subalit dinededma lamang nila.

Malimit na sinasabi ng bitag na ang bawat kasamaan ay may hangganan at ang bawat panloloko, may ka-tapat na patibong ang bitag.

Natuklasan rin ng BITAG na walang permit mula sa Department of Labor and Employment - National Capital Region at Las Pinas City Hall Business Permit and Promotion ang nasabing agency.

Ipinasara ang Build Keeper Agency at Hauswork Employment Services at aapila pa sana ang may-ari nito su-balit hulog na siya sa BITAG sa kaniyang panloloko at panggagantso, wala itong nagawa kundi ang manlumo.

Salamat sa umiral na konsensya ni Verlito, dahil sa kanya, natuldukan ang maliligayang araw ng Build Keeper Agency at Hauswork Employment Agency.

vuukle comment

AGENCY

BITAG

BUILD KEEPER AGENCY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT SERVICES

HAUSWORK EMPLOYMENT AGENCY

HAUSWORK EMPLOYMENT SERVICES

LAS PI

VERLITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with