Dear Dr. Elicaño, ako po ay 30 years old at dalaga pa. May nakapagsabi po sa akin na ang mga kababaihang late mag-asawa ang kadalasang nagkakaroon ng cancer sa cervix. Nag-aalala po ako dahil ako nga ay nasa 30-anyos na. Totoo pa ba yun? At ano po ba ang mga sintomas ng cancer sa cervix. Salamat po. —WORRY GIRL ng Pembo, Makati City
Sa Filipino o Tagalog, ‘yang cervix ay tinatawag na ku-welyo ng bahay bata. Ang cancer sa cervix ay karaniwang tumatama sa mga kababaihang may edad 35 hanggang 55. Sa mga pag-aaral, mas nagkakaroon ng cancer ang mga babaing may poor personal hygiene o yung mga babaing hindi malilinis sa kanilang katawan.
Karaniwan din itong tumatama sa mga kababaihan na maagang nagsipag-asawa. Yun bang mga nagsipag-asawa na edad kinse na sinasabing may gatas pa sa labi. Karaniwan ding nagkakaroon ng cancer sa cervix ang mga kababaihang nanganak nang marami. Yung mga babaing “mahilig” at nagkaroon ng iba’t ibang sexual partners ay nasa panganib na magkaroon ng cancer sa cervix.
Ang mga sintomas o signs na may cancer sa cervix: Abnormal na pagdurugo ng vagina o pagkakaroon ng discharge na mabaho. Pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan o puson. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Kapag ang babae ay meron o nakaranas ng mga nabanggit, kumunsulta sa OB-GYN para sa proper examination at pap smear.