ALMA party-list
KUNG matutulungan ng mga botante sa Monday, May 10, 2010, ang number 71. ALMA party - list, magkakaroon ng boses ang mahihirap sa Kongreso.
Gustong itulak ng number 71. ALMA party-list ang ‘study now 25 years to pay’ para makapag-aral sa kolehiyo ang mga anak maralita dahil hindi biro ngayon ang edukasyon sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, mahal!
Gusto rin nila na maglaan ng P5 billlion yearly ang government of the Republic of the Philippines my Philippines para sa Agri-Reforestation-forest nucleus estates na may pabahay at paaralan, regular na trabaho sa taga- upland at sa mga balik-probinsiya.
Pagsasaaayos sa AFMA o agriculture and fisheries modernization para sa mas malaking ani at kita sa maliliit na magsasaka at mangingisda.
Isa pang gustong gawin ng number 71. ALMA party-list ay ang pagpapalawig ng programang ‘Crop insurance’ isang safety net ng mga magsasaka, kaagapay sa pagbangon mula sa mga kalamidad.
Ano pa ang gagawin ng mga botante?
Sagot - i-shade ang bilog na katabi ng number 71. ALMA party-list sa halalan.
Ok ba ang survey?
HINDI siguro basehan ng mga kandidato lalo’t sa pagka- PREZ na panalo na sila batay lamang sa resulta ng mga survey.
Mula noong 1992, laging kamote ang resulta ng mga survey kaugnay ng halalang pampanguluhan sa Philippines my Philippines.
At kung magkakatotoo ang ganitong trend, ang mga nagdedeklara sa kanilang sarili na “tiyak na panalo”ay magigising sa katotohanan at mapapahiya kapag natapos na ang bilangan.
Base sa mga survey noong 1992, makikita sa resulta na ang mga nanguna ay hindi nagwagi sa halalan. Ang trend na ito ay malinaw na malinaw noong 1992, 1998 at 2004.
Sa pambansang halalan noong 1992, si dating Ambassador Eduardo Cojuangco, Jr. ang nangunguna sa mga survey dalawang araw bago ang eleksiyon.
Sinundan siya nina dating Speaker Ramon Mitra, Jr., Miriam Defensor-Santiago, at ang nanalo ay si former President Fidel V. Ramos.
Matatandaan na sa nasabing panahon na ikikonsidera si Danding na “sure winner” matapos siyang iendorso ng bloke kung magsiboto na Iglesia ni Cristo (INC).
Noong 1998, sa presidential survey bago maghalalan ay nangunguna si dating House Speaker Jose de Venecia laban kay Prez Joseph Estrada na nasa No. 2 spot lamang kasunod sina Sen. Alfredo Lim at Sen. Juan Ponce Enrile, pero ang nanalo matapos ang bilangan ay si Erap.
Noon namang 2004, siniguro sa mga survey na mananalo sa halalan si Fernando Poe, Jr., lalo sa Social Weather Stations (SWS) na pinatatakbo ng sampit ni FPJ na si Mahar Mangahas.
Sibak si Ronnie kay Vice-Prez Gloria Macapagal Arroyo sa kontrobersiyal na halalan matapos mawalan ng 1.5 million boto sa Metro Manila at magwagi sa pamamagitan ng landslide sa Cebu.
Maaaring magandang basehan ang mga survey sa opinyon at pangingin ng publiko pero hindi madidiktahan ng mga ito ang resulta ng halalan.
Inamin ni Pulse Asia President Ronald Holmes na walang kasiguruhan ang isang survey para mabatid ang resulta ng halalan.
Sinabi niya na sa mga nakaraang halalan, may malaking diperensiya ang resulta ng kanilang survey sa aktuwal na bilang ng mga boto.
May iba pang batayan ng mga laro sa halalan, at sa sagupaan sa larangan ay nakalalamang si Nacionalista Party standard-bearer Sen. Manny Villar pagdating sa pagdedeliber ng mga aktuwal na boto.
Itinatag ng NP ang pinakasolidong alyansa at nakopo ang malaking suporta sa buong bansa. Nagawa ng partido na magkaroon ng mga kandidato sa halos lahat ng posisyon sa local na antas sa Philippines my Philippines.
Ang mag-erpat na Pong at Ruffy Biazon
NGAYON inendorso na ng pamunuan ng INC ang kandidatura ng grupo ni Liberal Party standard-bearer Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, tiyak na malaking ang magiging tsansa ng makopo ng LP ang mayorya ng 12 posisyon sa Senado, kabilang na ang anak ni Senador Rodolfo ‘Pong’ Biazon na si Muntinlupa Rep. Rozzano Ruffy Biazon.
Kailangan na makuha ng mga pambato ng Liberal ang mayorya ng Kongreso upang matiyak ang pagsulong ng mga programa ni Noynoy laban sa korapsyon at kahirapan.
Abangan.
- Latest
- Trending