^

PSN Opinyon

Kapakanan ng journalists, prayoridad ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ni Presidente Erap at ang aming panganay na anak na si re-electionist senator Jinggoy Ejercito Estrada ay naalarma sa ulat ng international media watchdog na Committee to Protect Journalists (CPJ) hinggil sa insidente ng pagpaslang sa mga mamamahayag kung saan ay hindi nareresolba ang kaso.

Sa inilabas na 2010 Global Impunity Index ng CPJ, ikatlo ang Pilipinas – mula sa pagiging rank number 6 noong 2009 – sa mga bansang may malaking bilang ng unresolved media murders. Ayon sa CPJ, lumobo ang mga insidente ng deadly, unpunished violence against the press sa ating bansa at pinakatampok dito ang tinaguriang Maguindanao massacre kung saan, 32 journalists ang pinatay.

Ang pagiging rank number 3 ng Pilipinas sa CPJ Index ay hindi maituturing na konsolasyon sa naturang usapin dahil ang rank number 1 (Iraq) at rank number 2 (Somalia) ay matagal nang nasa ilalim ng madugong kaguluhan. Dahil dito ay lumalabas na ang Pilipinas ang number 1 sa unresolved media murders sa lahat ng mga self-proclaimed free societies.

Ayon kay Jinggoy, sa kanyang pagbabalik sa Senado ay ibayo niyang isusulong ang kanyang journalist-oriented legislations. Kabilang sa mga lehislasyong inihain niya sa 14th Congress ay ang:

Senate Bill No. 9: An act promoting the welfare of and providing protection to journalists;

SB No. 524: Imposing an additional penalty on all persons who coerce, inflict injury or kill any bonafide member of the media in the course of or in the performance of his or her duties;

SB No. 538: Qualifying the killing of members of broadcast and print media on the occasion of the exercise of their functions as such, as a crime of murder; at ang

SB No. 515: Magna Carta for journalists.

Idineklara naman ni Presidente Erap ang kanyang suporta sa mga panukalang ito ni Jinggoy at sa lahat ng iba pang hakbangin para sa karapatan at kapakanan ng mga journalist.

AYON

GLOBAL IMPUNITY INDEX

JINGGOY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

MAGNA CARTA

PILIPINAS

PRESIDENTE ERAP

PROTECT JOURNALISTS

SENATE BILL NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with