'Saranggola umalagwa.'
Ikatlong bahagi
Nitong mga nakaraang dalawang isyu ng Calvento Files isinulat namin ang aming mga obserbasyon tungkol kay Senator Manny Villar at sa kanyang kampanya para sa pagka-presidente. Ibat- ibang komento ang aming natanggap mula sa inyo pabor man o hindi at ito’y aming ipa-‘publish’. Ang boses ng mga taga subaybay ng Calvento Files.
“Vox Populi… Vox Dei”, the voice of the people is the voice of God ang ibig sabihin nito ang tinig ng nakararami ay ang tinig ng Panginoon.
Marami ang natuwa at meron din namang nagsabing magdahan-dahan sa pagbabatikos sa kanilang kandidato. Daan-daang ‘text’ ang aming natanggap. Narito ang kanilang ang mga ‘text messages’ para inyong mabasa:
“Nung una pa man nakapagdesisyon na akong si Villar ang aking iboboto bilang presidente. Kahit anong paninira at paglalabas ng kanyang mga ginagawang anomalya ay hindi ako naniniwala. Sa isip ko parte lang yan ng propaganda pero nung nabasa ko sa kolum n’yo ang pag indorso ng Ampatuan sa kanya at mukha namang tinanggap niya… nawala bigla ang tiwala ko sa kanya. Ako sampu ng aking pamilya ay nagbago na ang isip na iboto pa siya. Ano pang hustisya ang makakamit ng mga pamilyang minasacre ng mga Ampatuan? Kung siya ang magiging presidente baka hindi lang tao ang ibaon nila kundi buong bansa ang malibing sa balon ng kahirapan,” - 09214053252.
“Magandang hapon Sir Tony Calvento. Nabasa ko po ang kolum niyo ngayon sa PSNGAYON itago niyo nalang ako sa pangalang MAKATA taga Quezon Province. Kitang-kita ko po ang pagiging desperado ni Villar na manalo ngayong eleksyon. Imposible na hindi niya bawiin lahat ng kanyang ginastos maging ang ina niya ay ginamit pa sa kanyang pangangampanya. Nakakaawa naman! Si Villar ay tulad ng isang demonyo na gagawin ang lahat kahit makipagtulungan siya sa kapwa niya demonyo! Sana ay magbunyag pa kayo ng tungkol sa Villar-Arroyo.” - 09163748445.
“Naturingan pang taga Imus ang pamilya nila Remulla pero wala silang nagawa para sa Imus. Siguro dun sa mga kamag-anak nila mabango sila pero para sa aming mga dukha? Balewala sila! Lalo na sa bayan ng Imus na nagbabaha dahil dun ginagawa ang Island Cove. Dati hindi nagbabaha dito sa Imus, ngayon konting ulan lang nagbabaha na ang mga ilog,” - 09194707314
“Marami ng umupo, nagnakaw at nautangan ng loob sa mga sumusuporta ng pera sa kandidatura nila. Paki publish n’yo nalang ng makita at mabasa nung nag-email sa inyo about kay Villar at ganun din naman sa inyo,” -09212921050.
“Sa laki ng ginastos nila sa kampanya pati na ng mga kaibigan nila. Sana pinagpatayo nalang nila ng mga ospital at paaralan yan. Pwede naman nilang ilagay na sila ang donor nun kesa mga giant TV, radyo at dyaryo ang mga nakinabang. Imposible ring maiangat nila ang mga mahihirap sa kadukhaan. Pwede ba? Marami ng nangangako niyan! Gising mga Pinoy!”- 09217222161
“Hindi totoong si Villar ang magtatapos sa kahirapan kundi siya ang magdidiin sa kahirapan ng mga mahihirap. Dahil sa pang-aagaw at pangangamkam niya ng lupang hindi naman sa kanya. Kapag siya ang nanalo bilang pangulo expect mo na siya na ang may-ari ng lahat ng lupain sa Pilipinas within 6 years,” - 09226191008.
“Tama po kayo na kahit mag yelo ang impyerno hindi ko rin iboboto ang mga Remulla pareho po tayo ng opinion na kapag sila ang uupo sa bansa, tiyak kukunin nila ang ginastos nila sa kampanya at may tubo pa. Kasi sanay sila na malaki ang kita nila. Tulad sa C5 Project… kaya kasama n’yo po ako sa pagkilatis n’yo sa kanila. Ako po ay concern citizen ng Imus, Cavite.” - 09185528371
“Masanay na kayo sa takbo ng pulitika sa atin. Ang mga kandidato parang mga negosyante, namumuhunan. Kapag nanalo kumikita, kapag natalo naman… lugi.” - +966509907012
“Tama yan ginagawa mong pagbubulgar kay Villar hindi dapat manalo yan dahil sigurado akong napakaganid sa pera niyan at kawawa ang bansa natin!” - 09174516514
“Kailan kaya magkakaroon ng isang malinis at maayos na eleksyon na hindi kailangang may mamatay? Bakit kailangan nilang manira ng kapwa kandidato para sa sarili nila. Ang tao may isip at alam ang ginagawa. Kahit ilang beses mo pang siraan ang isang kandidato kung sa karamihan ay nakatulong ito… wala kayong magagawa. Gumawa kayo ng mabuti para maayos ang maging bunga,” - 09303318633.
Mula naman sa isang sikat na artista na nakiusap na huwag ng sabihin ang kanyang pangalan, ito naman ang kanyang opinyon.
“Something I want to share and pray about it baka may magawa pa ako just a thought: Noynoy’s father is in the peso bill. He became a senator but never pass a bill. What makes him decided to run the country in his own will?
His honest man no doubt just like Cory, against corruption but never fought against corruption and Cory once said, “Lahat naman nagkakamali at nagkakasala!”. Erap wasn’t that bad after all, the man is wiser now maaring ito na din ang huling yugto ng buhay niya para itama at iwasto ang ilang pagkakamali. The man is no saint but lesser evil, ang importante may puso at may magagawa talaga para sa Pilipinas if he wins magtatrabaho na lang agad yan at ipagpapatuloy ang mga hindi natapos. It’s his pride to clear his name at any rate wala naman siyang ninakaw. Tumanggap siya pero hindi naman siya nagnakaw babae ang kahinaan, but who is not a sinner anyway? We need an experienced leader. I won’t talk against Villar anymore because if we vote for him nagbubulagbulagan na lang tayo. God allow things to happen but there’s free will. It’s still our choice, think! Basta ako kay “ERAP” sa Mayo 10… kita-kita tayo!”
ABANGAN sa LUNES ang karugtong ng seryeng ito. Araw na ng botohan kaya’t huwag niyong kalimutang tutukan ang Calvento Files sa PSNgayon.
PARA sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending