^

PSN Opinyon

Apat na sikat

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NOONG Senatorial Elections ng 2004, kung anong lumabas sa huling pre-election survey ng Pulse Asia at SWS ay siya ring naging resulta ng mismong eleksyon. Kung ganito nga ka-asintado ang mga survey, siguro kampante na ngayon ang mga nauunang “Magic 12”.

Gaano man ito katotoo, mayroon pa ring malaking sektor ng lipunan na hindi pa rin nabubuo ang listahan ng isang dosena. Marahil ay natuon ng husto ang atensyon at tensyon sa karera ng panguluhan. Sayang at maraming mahuhusay na kandidato mula sa iba’t ibang partido.

Apat sa mga ito ay personal nating nakilala. Mga kababata at anak ng mga magulang na humawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan na nakasabayan ng aking ama sa serbisyo. Una ay ang batikang mambabatas at beterano ng lahat ng pagkilos na ginawa sa Batasan upang ilabas ang katotohanang laging nililihim ng administrasyong Arroyo, si Cong. Teofisto Guingona III. Premyadong abogado na taga-Ateneo Law School, si TG ay anak ni Vice-President Teofisto Guingona, Jr. Kandidato siya sa tiket ng Partido Liberal.

Sunod sa kanya ay si Jose de Venecia III, anak ni House Speaker Jose de Venecia, Jr. Nakilala sa kanyang tapang sa pagbulgar ng ZTE-NBN deal kung saan nasabihan siya ni First Gentleman ng imortal na katagang “Back-off”. Si Joey ay negosyante na eksperto sa usaping information technology. Si JDV III ay kandidato ng PMP.

Si Atty. Adel Tamano ay anak ng respetadong Senador Mamintal Tamano, haligi ng pulitika sa Lanao. Sumikat nang husto si Adel nang tumayong spokesman ng oposisyon sa 2007 Senatorial Elections at ni Pangulong Erap Estrada nitong 2008. Si Adel ay naging Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Siya’y nagtapos sa Ateneo at Harvard Law Schools.

Finally, si Susan Ople na anak ng dating Pangulo ng Senadong si Ka Blas. Inialay ni Susan ang kanyang buhay upang maipagpatuloy ang mga adhikain ng kanyang ama sa pagtulong sa sektor ng manggagawa lalo na ang mga OFW. Si Susan ay gra-duate din ng Harvard at ng UST. Tulad ni Adel, siya’y kandidatong Se-na­dor ng Nacionalista Party.

Itong apat na sikat ay pawang lingkod bayan ang kinamulatan. Ang ganitong perspektibo ay makatutulong nang malaki sa pagiging epek- tibong Senador sakaling sila’y pagpalain sa Lunes.

ADEL

ADEL TAMANO

ATENEO LAW SCHOOL

FIRST GENTLEMAN

HARVARD LAW SCHOOLS

HOUSE SPEAKER

JR. KANDIDATO

JR. NAKILALA

SENATORIAL ELECTIONS

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with