Paano iiwasan agad ang pagka-ulianin
NAGSISIMULA tayo mag-alala sa pagka-ulianin kapag retirado na. Pero payo ng mga doktor, simulan alagaan ang utak sa edad-30 o 40 pa lang:
1. Sumapi agad sa mga samahan ng volunteers, para masanay na.
2. Mag-hobby: Pagkumpuni ng gamit, crossword puzzle, atbp.
3. Magsanay magsulat sa kabilang kamay -- pang-exercise ng kabilang bahagi ng utak.
4. Mag-aral magsayaw; 76% ng mga malimit mag-ballroom dancing ay hindi nagiging ulianin.
5. Gawing hobby ang gardening, pambawas ng stress.
6. Bumili ng pedometer at sikapin maka-10,000 hakbang araw-araw. Kung masigla ang puso, normal ang pagdaloy ng dugo sa utak.
7. Magbasa at magsulat araw-araw -- panggising ng utak.
8. Mag-gantsilyo. Kapag ginagamit ang dalawang kamay, gumagana ang magkabilang bahagi ng utak.
9. Mag-aral ng bagong wika -- pampatalas ng IQ.
10. Maglaro ng board games, Monopoly, Scrabble, na nagpapaisip.
11. Huwag huminto sa pag-i-iskuwela. Nagbubunsod ng structural at chemical reaction sa utak ang pag-aaral.
12. Makinig sa classical music, pag-iisip sa ibang kultura’t panahon.
13. Mag-aral tumugtog ng instrumento, pampatalas sa utak at tenga.
14. Magbiyahe: Malapit man o malayo, napipilitan ang utak makibagay sa bagong sitwasyon at tanawin.
15. Magdasal. Nakakatatag ito ng immune system.
16. Mag-meditate. Pang-alis ng stress.
17. Matulog nang sapat. Nakaka-pahinga ang tuloy-tuloy na tulog.
18. Kumain ng may Omega-3 fatty acids: isda, walnuts.
19. Mag-gulay, mag-prutas. Pangkontra ang antioxodants nito sa free radicals na sumisira sa brain cells.
20. Minsan kada araw, sumabay sa pamilya sa pagkain. Pang-relax.
- Latest
- Trending