MARAMI ang lumiham sa akin na pag-usapan ang colon cancer. Natatakot kasi sila sa naging sakit ni Presidente Cory Aquino.
Ang sintomas ng colon cancer ay ang pagbabago sa anyo ng dumi. Lumiliit ang hugis ng dumi, parang dumi ng kambing, at minsan may bahid ng dugo. Ang taong edad 50 pataas ay kailangan magpa-check ng colonoscopy o sigmoidoscopy. Ito yung pagsilip sa ating puwit ng isang instrumento. Malulunasan ang colon cancer kapag matuklasan ito ng maaga.
Tinapay na mataas sa fiber
Paano ba iiwas sa colon cancer? Ang payo ng mga experto ay ang pagkain ng high fiber diet, tulad ng gulay at prutas. Mataas ang fiber ng kangkong, pechay, patola at okra. Sa prutas naman, mataas ang fiber ng balat ng mansanas, dalandan, pakwan at papaya.
Pagdating sa tinapay, may isang kompanya na gumagawa ng healthy bread na mataas sa fiber. Ito ay ang Walter Bread ni Mr. Walter Co, isang matagal na naming kaibigan. Maraming very healthy products ang Walter Bread.
Ang Weight Control Bread with High Fiber, ay punumpuno ng oats at vegetable fiber, na napakaganda sa ating katawan. Makatutulong ito sa ating pagtunaw ng pagkain, pagbaba ng kolesterol, at pag-iwas sa kanser sa bituka. Kung kayo ay hirap dumumi, makakatulong din ang ganitong tinapay sa pag-ayos ng pagdumi niyo.
Mabilis din kayong mabusog sa Weight Control Bread. Kaya para sa mga misis na may katabaan, mag-Weight Control Bread tayo para matuwa naman si Mister. Dalawang slice lang ay busog ka na.
Tinapay ng diabetic
Ang paborito ko ay ang Sugar-Free Wheat Bread ng Walter Bread na mabuti para sa mga diabetic. Mababa at 65 calories lang ang isang tinapay. Hindi gaano tataas ang asukal n’yo sa dugo kumpara sa pagka-in ng 1 cup rice. Subukan niyo ito para makatulong sa pagbaba ng inyong blood sugar.
Ang Walter Bread ay ginagamit ng mga tanyag na experto sa kalusugan. Isa na si Ms. Joan Sumpio, ang Head Nutritionist ng University of Santo Tomas, na matagal nang gumagamit ng Walter Bread. Paborito din ito ni Health Chef Ms. Michelle Dinglasan-To-macruz, isang magna cum laude graduate ng Uni-versity of the Philippines.
Para pumayat, subukan niyong magtinapay. Healthy na, mas papayat ka pa.