Ang krusada ni Baham Mitra
THREE-termer Congressman si Abraham “Baham” Mitra sa second district ng Palawan. Ngayong kumakandidato siya sa pagka-Governor ng Palawan, naging isyu laban sa kanya ang hindi niya pagiging residente ng lalawigan.
Nakatira si Baham sa Puerto Princesa na isa nang highly urbanized city bagamat kabisera ng Palawan. Ayon sa batas, ang mga taga-roon ay hindi na bumoboto on the provincial level. Hindi na rin puwedeng kumandidato para sa mga posisyong panlalawigan ang mga residente ng lungsod. Diniskuwalipika siya ng COMELEC. Nagharap ng mosyon ang kampo ni Baham pero sa latest ruling, nagdesisyon ang poll body “en banc” na kumakatig sa diskuwalipikasyon.
Ang kakatwa, isang impluwensyal na negosyanteng taga-Cagayan de Oro ang katunggali ni Baham. Hinala niya, umiiral ang “pera-pera” sa kontrobersyal na desisyon ng COMELEC. Nakababahala talaga ang halalang ito lalu pa’t sumablay nang sabay-sabay sa test run ang mga voting machines sa poll automation. Tanong nga ng barbero kong si Mang Gustin: “Iyan ba’y sinadya o sinadyang huwag sadyain?” (LOL)
Back to the issue on Baham Mitra. Nagharap uli ng mosyon para sa TRO sa Korte Suprema si Baham. Sana’y maaaksyunan pa ito kahit eleksyon na sa Lunes. Ang sabi ko kay Baham, huwag siyang mawalan ng pag-asa at manalig sa Dios na mangingibabaw ang katarungan. Nagkapalitan kami ng text kahapon. Marami akong kakilalang constituents ni Baham at nagkakaisa sila na siya’y mahusay na leader.
Tsk, tsk. Mahirap talaga ang batas dahil laging may butas! Pati tuloy ang mga taong may mabuting hangaring maglingkod at may kakayahan ay napapatumba ng mga think-tanks ng mga kalabang kandidato.
Ang sabi ni Baham:
“In my heart and by my acts, I am a resident thereof (Palawan). No one is prohibited, no one is hindered by law to transfer his domicile. I have taken my stand and believe that I have abandoned my prior domicile and that I am qualified to run”.
- Latest
- Trending