^

PSN Opinyon

Posible: Automated dagdag-bawas

SAPOL - Jarius Bondoc -

KARANIWAN sa manual election, hindi sa presinto ang dayaan kundi sa canvassing. Mahirap mandaya sa presinto; nar’un lahat ng party watchers at botante nagba­bantay ng botohan at bilangan. Madali sa canvassing; kokonti ang nagbabantay pero maraming pera ang umiikot para bultong ilipat ang boto mula sa isang kandidato tungo sa nanuhol sa sindikato.

Posible ba ang dagdag-bawas sa automated election? Puwedeng-puwede, dahil sa kapabayaan o katiwalian ng Comelec. Para malaman kung paano mag-o-automated dagdag-bawas, repasuhin natin ang pro­seso sa Araw ng Halalan:

Naka-imprenta na sa balota ang pangalan ng kandidato, kukulayan lang ng botante. Isusubo niya ang balota sa Precinct Count Optical Scanner. Papasok ang balota sa kahong opaque; hindi kita ang laman. Pagtapos ng botohan, bibilangin ng PCOS ang mga boto at mag-iimprenta ng Election Returns. Ita-transmit ng PCOS ang resulta sa city o municipal canvassing, na mag-iimprenta ng Statement of Votes. Ipapadala ang SOV sa provincial Board of Canvassers na mag-iimprenta ng Certificate of Canvass. Ipapadala ang COCs sa National Board of Canvassers.

Maari singitan ang PCOS ng pandaya na computer program. Hindi ito mapapansin ng karaniwang botante, dahil maraming butas ang proseso. Una, hindi nagkaroon ng review ng source code, ang computer program na nagpapatakbo sa PCOS, dahil sa sobrang higpit ng Comelec. Tinanggal ng automation supplier Smartmatic ang vote verification feature ng PCOS, na magpapakita sana sa screen kung tama ang pagbasa ng makina sa mga ibinoto ng botante. Wa­lang makakakita sa pagbi­lang ng PCOS ng boto sa chips nito, isang paglabag sa prinsipyo ng “secret voting, pub­lic counting.” Maaring may laman nang resulta ang flash cards na gagamitin sa SOVs at COCs. At alam ng Smar­ ma­tic ang passwords ng mga Board of Election Inspectors.

Gumasta pa ang bansa ng P10 bilyon, pareho lang pala ng dati.

vuukle comment

BOARD OF CANVASSERS

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

CERTIFICATE OF CANVASS

COMELEC

ELECTION RETURNS

IPAPADALA

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PRECINCT COUNT OPTICAL SCANNER

SHY

STATEMENT OF VOTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with