^

PSN Opinyon

Inhustisya at kapalpakan

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ANO kaya ang iyong mararamdaman kung makukulong ka ng ilang buwan dahil sa utang na limang libong piso lamang?

At dahil sa utang na ito, ikaw ay may kasong qualified theft na may beinte kuwatro mil na piyansa para sa ‘yong PANSAMANTALANG kalayaan lamang?

Napakasakit, tulad rin ng isinagot ni Dean Amado Valdez ng College of Law-University of the East at kasalukuyang Presidente ng International Association Constitutional Law.

Ayon kay Dean Valdez, wala sa konstitusyon na ang isang tao ay maaaring makulong sa kaniyang pagkakautang lalo na kung sa halagang limang libong piso lamang.

Ganito ang sinapit ng pobreng taxi driver na si Alfredo Yaput. Mahigit isang buwan siyang nasa loob ng kulungan dahil sa kaniyang utang na limang libong piso sa dating Tsinong amo.

Nakulong siya matapos imbitahan ng kaniyang amo sa presinto ng Galas Police sa Quezon City upang pag-usapan umano kung papaano niya babayaran ang kaniyang utang.

Subalit ang aregluhan, nauwi sa arestuhan. Agad na lamang daw kinuha ang kaniyang lisensiya sabay ipinasok na siya sa kulungan.

Nang gabi ring ‘yun, dinala siya kay Fiscal Joselito Bacolor para sa isang inquest proceeding. Dito, dinisisyunan   ni Fiscal Bacolor ng kasong qualified theft na may piyansang beinte kuwatro mil si Yaput.

Nakaharap na ng BITAG si Fiscal Bacolor, naiparating na rin namin sa kaniya mismong opisina ang sinapit ng biktimang si Yaput.

Tanggap ni Fiscal Bacolor ang kaniyang pagkukulang kung kaya’t sa kasalukuyan tumutulong na siya sa BITAG upang maisaayos ang kaso ni Yaput.

Samantala, bago pa man magmahal na araw, inasiste­han ng BITAG na makapag-file ng Motion to Reduce Bail ang biktimang si Yaput.

Pinagbigyan naman ng korte ang kahilingang ito ng BITAG at pamilya ni Yaput kung kaya’t mula sa beinte kuwatro mil na piyansa, naibaba ito sa sampung libong piso.

Salamat sa isang nag-magandang loob na sumusuporta sa programa ng BITAG at napanood ang nangyari sa kaso ni Yaput, piniyansahan nito si Yaput at nakalabas na ng Quezon City Jail. 

Sa kasong ito, malinaw na INHUSTISYA ang nang­yari sa biktima at KAPALPAKAN naman sa parte ng pulis na nag-imbestiga at fiscal na tumanggap ng kasong ito. Ito ang mariing batikos ni Dean Valdez.

ALFREDO YAPUT

COLLEGE OF LAW-UNIVERSITY OF THE EAST

DEAN AMADO VALDEZ

DEAN VALDEZ

FISCAL BACOLOR

FISCAL JOSELITO BACOLOR

GALAS POLICE

INTERNATIONAL ASSOCIATION CONSTITUTIONAL LAW

QUEZON CITY

YAPUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with