^

PSN Opinyon

Ang utak ni Sec. Bert Gonzales

DURIAN SHAKE -

PINIPILIT kong maintindihan ang mga ginagawa at ang mga sinasabi ni Defense Secretary Norberto Gonzales nitong mga huling araw. Lalo na nung sinabi niya nitong nakaraang Miyerkules sa harap ng mga religious leaders sa Mindanao na mga miyembro ng Bishop Ulama Conference na nagsi­simula na nga ang cheating o dayaan sa May 10 elections at nag-umpisa na rin ang bribery sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines sa may Southern Tagalog region.

Buti sana kung sa pagsiwalat ni Gonzales ng mga sinasabi niyang mga attempts to cheat at bribery sa military, police at maging sa Comelec, ay may prinisenta rin siyang mga concrete counter-measures na ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Hindi maiwasan ang pangamba ng mga nandun sa joint peace forum ng BUC, AFP at ng Philippine National Police na ginawa dito sa Waterfront Insular Hotel Davao, na mag­karoon nga ng failure of elections sa ating first-ever auto­mated polls. Lumalabas na kino-condition na nga ni Gon­zales ang mga mamamayan na magkaroon nga ng failure of elections.

Biniro ko nga si AFP chief Gen. Delfin Bangit na nagsu­sumikap silang dalawa ni PNP chief Director Jesus Versoza na magpapogi sa harap ng mga Mindanao religious leaders tapos sinira lang ni Gonzales nang nagsalita ito tungkol sa dayaan sa May 10 elections.

Inamin naman ni Gonzales na ‘I do not share the optimism of these two gentlemen’ (sina Bangit at Versoza) na naunang nagbigay ng assurance sa mga bishops at ulama na all-systems go na ang military at pulis sa darating na May 10 polls. Dahil nga sabi ni Gonzales nakatatanggap siya ng reports na nagsimula na ang bribery sa mga military officials at ang dayaan ay ipapatupad ng mga sundalo, pulis at mga taga-Commission on Elections.

May isang linggo na lang at malalaman din natin ang ibig sabihin ng lahat ng mga pasaring ni Gonzales. Kung saka-sakaling magkatotoo nga ang mga sinasabi ni Gonzales tungkol sa scenario ng bribery, cheating at maging ng failure of election, napakalaki ng pananagutan niya.

Bilang defense chief ng bansa, tungkulin ni Gonzales na harangin ang anumang mga balak o attempt sa panda­daya gaya ng mga binulgar niya nitong nakaraang linggo sa harap ng mga bishop at mga Muslim ulama ng Mindanao. Sinabi rin ni Gonzales na “arrests will be made soon” hinggil nga sa mga nadiskubre ng mga intelligence officers na may nagta­tangka ngang dayain ang resulta ng halalan sa May 10.

Sana nga totohanin niya ang sinabing “arrests will be made soon” upang maipakita sa mga mamamayan na hina­harang nga ng otoridad ang anumang tangka ng pan­daraya sa darating na halalan. Nanawagan din ang iba’t ibang secto­r, maging ang AFP at PNP, na pangalanan ni Gonzales ang mga sinasabi niyang involved sa pagta­tangkang mandaya sa May 10 elections. Kaabang-abang nga ang mga pangyayari sa susunod na mga araw.

Kung hindi ko maintindihan ang utak ni Gonzales, uma­asa ako na dahil isa nga siyang ardent Marian devotee, ang kapakanan ng ating bansa ang nasa kinaibuturan ng kan­yang puso. At umaasa ako na nakaukit din sa puso ni Gonzales ang petsang June 30, 2010, na dapat bumaba na sa puwesto si President Arroyo.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BISHOP ULAMA CONFERENCE

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

DELFIN BANGIT

DIRECTOR JESUS VERSOZA

GONZALES

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with