^

PSN Opinyon

Mag-ibigan kayo!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

MAYO na naman. Buwan ng mga bulaklak, kasayahan sa mga bukid na pawang anihan ng palay at gulay. Buwan ng mga prutas sa kanayunan. Ito rin ang buwan ng pag-aalay ng bulaklak kay Maria, Flores de Mayo. “El trece de Mayo la Virgen Maria, rezad por nosotros con su alegria. Ave, Ave, Ave Maria”. Ngayon din ang Santakrusan, ang pagpapahalaga sa Krus ni Hesus na naging sandigan ng ating pagpaparangal sa pagliligtas sa atin sa kasamaan. Pinagpala tayo ni Hesus sa Kanyang pagtatayo ng ating simbahan, ang Sangka-kristiyanuhan.

Sa mga Gawa ng mga apostol ay doon pinatatag nina Pablo at Bernabe ang kalooban ng Diyos at pinagpayuhan tayong manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos”. At ayon sa Salmo: “Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi”.

Magiging tunay na matatag ang ating pananampalataya kung susundin natin ang isang bagong utos na ibinigay sa atin: “Mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo”.

Ipinahayag ni Hesus ang karangalan ng Anak ng Tao sa Huling Hapunan matapos maka-alis ang taksil Niyang alagad, si Hudas Iscariote. Sa ating pagno-nobena sa Espiritu Santo ay idalangin din natin na uma­lis na si Hudas na sumisira sa kapayapaan ng ating halalan. Patuloy tayong manalangin sa ating Panginoon na mawala na ang kasamaan upang gabayan tayo ng Espiritu Santo upang ihalal natin ang mga kandidatong maka-Diyos, maka-tao at hindi maka-sarili, kundi pawang paglilingkod sa ating bayan at lipunan. Muli sanang ibalik ng bagong pinuno ng ating bansa ang tunay na Perlas ng Silangan. 

Gawa 14:21-27; Salmo 145; Pahayag 2:1-5 at Jn 13:31-33, 34-35

ATING

AVE MARIA

BUWAN

DIYOS

ESPIRITU SANTO

GAWA

HESUS

HUDAS ISCARIOTE

HULING HAPUNAN

SALMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with