^

PSN Opinyon

ALMA party-list

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KUNG matutulungan ng mga botante sa election ngayon May 10, 2010, ang number 71. ALMA party - list ang boses ng mahihirap sa Kongreso.

Isa sa gustong isulong para makatulong ang number 71. ALMA party - list sa mga pobreng alindahaw ay ang ‘study now 25 years to pay’ para makapag-aral sa kolehiyo ang mga anak maralita dahil hindi biro ngayon ang edukasyon sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, ubod ng mahal!

Ang paglaan ng P5 billlion taun-taon para sa Agri-Reforestation-forest nucleus estates na may pabahay at paaralan, regular na trabaho sa taga-upland at sa mga bali -probinsiya.

Pagsasaaayos sa AFMA o agriculture and fisheries modern­ization para sa mas malaking ani at kita sa maliliit na magsasaka at mangingisda.

Ang hindi alam ng madlang people sa Philippines my Philippines may P170 billion budget ang naisabatas para sa Agriculture at Fisheries Modernization Act o ang RA 8435 mula pa noong 1999 up to 2009, pero kahit na ganito umaatras este mali umaangkat pala ang government of the Republic of the Philippines my Philippines ng mga karne, bigas at mga agricultural product sa abroad.

Isa pang gustong gawin ng number 71. ALMA party - list ay ang pagpapalawig ng programang ‘Crop insurance’ isang safety net ng mga magsasaka, kaagapay sa pag-bangon mula sa mga kalamidad.

Ano pa ang gagawin ng mga botante?

Sagot - i-shade ang bilog na katabi ng number 71. ALMA party - list sa halalan.

Sabi nga, iboto ang ALMA party - list!

Manila Mayor Fred Lim

GRABE as in grabe si Manila Mayor Fred Lim dahil sang­katerba pala ang nagmamahal dito sa Maynila kaya naman patok ito sa Mayo 10, 2010 election.

Iba’t-ibang kagaguhan ang pinakakalat ng mga kalaban ni Lim sa pulitika ganoon sila kadesperado porke na­raramdaman nila ang tibay ni Fred sa mga botante.

Ang paninira kay Lim ay hindi niya pinapansin porke para sa kanya ang pumapatol sa sira ulo ay mas sira ang ulo.

Sabi nga, tama nga naman!

Hindi kayang tinagin si Lim sa Maynila kung ang mga paninira lamang sa kanya ang pagbabatayan porke subok na ito sa mga taga-rito.

Sabi nga, matibay at matatag!

Matatalino ang mga botante sa Maynila kaya alam nila kung sino ang karapat-dapat na umupo sa cityhall.

Ika nga, hindi mga tanga!

Paano mo nga ba naman sisiraan si Lim na nakapag­pa­tayo ng anim na pampublikong ospital-tig-isa bawat dis­trito ng Maynila- 53 makabago at modernong public elementary at high schools, mga health center.

Ang isa pa sa mga hinahangan kay Lim ay hindi ito balimbing sa partido gaya ng iba dyan.

Pulitiko sa Malabon baklita ang dating

MUKHANG kasuka-suka ang isang pulitikong tumatakbo ng tongresman dyan sa Malabon mukhang dehins pabor todits ang mga residente dito.

Sabi nga, hindi iboboto.

Kung sinuman ang kumakandidatong kongresistang ito, ang mga taga-Malabon lang ang nakakaalam porke mabantot ito sa kanilang panlasa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibang klase kung pumustura ang kandidato porke nagpa-kodak pa sila ng kanya pamilya bilang ‘happy family,’ iyon pala kung umbagin ang waswit nito ay grabe as in grabe.

Ika nga, kulang na lang dalhin sa sementeryo!      

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibang klase magalit si tongresman dahil mas mataray pa ito sa babae kasi nga baklita pala ito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nabuking kasi ng kanyang waswit ang tongresman na may kinakasamang macho kaya walang puknay ang kanilang barugan.

‘May panalo kaya si tongresman sa eleksyon ?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Walang pag-asa’ sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

Abangan

AYON

FISHERIES MODERNIZATION ACT

MALABON

MANILA MAYOR FRED LIM

MAYNILA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with