^

PSN Opinyon

Sangrekwang advisers dapat iwasan ng Pangulo

- Al G. Pedroche -

MATAGAL nang sakit ng mga bagong upong Pangulo ang paghirang ng sangkaterbang advisers. Lumilikha pa ng bagong posisyon (kahit di kailangan) para maipuwesto ang gusto nila. Yun bang mga pinagkakautangan nila ng loob sa panahon ng kampanya.

Ang sabi ni Liberal Party senatoriable Ralph Recto, ang Pangulo ay dapat lamang humirang ng “kaunti pero matatalinong” opisyales at tagapayo. Dapat itong pakinggan ng lahat ng kumakandidato sa pagka-pangulo at gawing guideline ng sino mang mananalo. Hindi dapat tularan ang kasalukuyang administrasyon. Tinambakan ng sangkaterbang presidential advisers, assistants at consultant ang Malacanang.

 Dapat tapyasin ang bilang ng mga undersecreta-ries, assistant secretaries at iba pang mga opisyal na pinaglalagay sa matataas na puwesto ng papaalis na administrasyon. Si Recto ay dating pinuno ng NEDA. Pi­nuna niya na aabot sa 40 ang posisyon ng presidential adviser at 54 naman ang para sa presidential assistant.

May katiyakan naman si Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villanueva na magiging piling-pili lamang ang mga hihirangin niyang opisyales. Walang political accommo-dations. Magagawa ni Bro. Eddie ito dahil wala siyang traditional politicians na sinasandalan at pagkakautangan ng loob.

Kaya tingnan natin yung mga kandidatong maraming supporters na gumagastos ng malaking halaga ng salapi. Malamang ang mga ito’y may aabangang kapalit kapag nanalo ang kanilang sinuportahan. Aba, siguradong juicy position ang inaasahan nila sa mga ahensyang madaling pagkaperahan. Hindi naman lahat ng supporters ay may ganyang masamang agenda pero uriin din natin ang mga ito. Tingnan ang kanilang mga pagkatao at ang kinasasangkutang negosyo.

Importanteng pakasuriin ang bawat kandidato at alamin kung sino ang sinsero sa pagsusulong ng isang righteous governance.

BANGON PILIPINAS

DAPAT

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

LIBERAL PARTY

PANGULO

RALPH RECTO

SI RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with