^

PSN Opinyon

Mga de-kuryenteng sasakyan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANG pampasaherong jeepney ay isa sa mga matitinding bumulwak ng usok sa lansangan. Mistulang mga nagugulat na pugita o pusit sa karagatan ng Metro Manila. Ito’y dahil sa makina nitong diesel na malamang hindi rin inaalagaan. At napakaraming pumapasadang jeepney sa siyudad. Kahit ano pang gawin ng MMDA o mga lokal na pamahalaan para ipagbawal ang mga smoke belchers na ito sa kalye, tiyak na marami pa ang papalit sa kanilang mga ruta. At hindi pa kasama riyan ang mga bus!

Sa isang dako naman, kung mapapagawi ka sa may Fort sa Taguig, may makikita kang parang motorsiklo na may bubong na bumabaybay sa loob lang ng The Fort, at namamasada ng pasahero sa loob din ng nasabing lugar. Walang usok, walang ingay, kahit mukhang hi-tek na tricycle lamang. Ito’y dahil de-kuryente ang nasabing sasakyan. Sa Makati, may mga de-kuryente na ring mga jeepney na bumabaybay sa siyudad. Ganun din, walang usok, walang ingay. At kung sa Makati lang, puwedeng-pwede gamitin nang tuluy-tuloy.

Ang de-kuryenteng sasakyan ay matagal nang konsepto. Noong araw pa ay marami nang nag-project ng kani-kanilang mga design at idea para sa isang de-kuryenteng sasakyan. Ang naging problema noon ay ang baterya. Napakarami ang kailangan, bukod sa napakabigat ng mga baterya. Unti-unting nagbago ang teknolohiya ukol sa baterya. Gumaan, lumiit. Kaya ngayon, mas nagiging katotohanan na ang mga de-kuryenteng sasakyan.

Pero paano naman ang taas ng presyo ng kur­­yen­te ngayon? Marami ang nadismaya nang matanggap ang kanilang singil sa kuryente. Baka naman kung ano ang matipid sa gasolina, yun naman ang ibayad sa kuryente. At kailangan ding isipin na ang nagpapatakbo ng mga ibang planta ng kuryente ay uling naman, na masama rin sa kalikasan. Kung masasagad ang kapasidad ng mga plantang ito, matinding usok din ang ibubulwak sa himpapawid.

Sa madaling salita, kailangang balansehin ang bagong konseptong ito. Pero walang makaka-argumento na kung maraming sasakyan ang tumatakbo na lang sa kuryente, malaki ang mababawas sa usok, pati na rin ang ingay sa isang lugar. Kailangang sumasabay na rin tayo sa mga ibang bansa sa pagsulong ng mga sasakyang de-kuryente, para makabawas sa paglason sa kalikasan. Mahirap umpisahan. Lahat naman ng bagay ganyan. Pero kung talagang magpupursigi at tutulong ang gobyerno, magtatagumpay ito.  

GANUN

GUMAAN

KAHIT

KAILANGANG

KURYENTE

METRO MANILA

PERO

SA MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with