Doctor Phil's test: Pagkatao alamin
KATUWAAN lang ito. Pero sapol sa paghuli ng pagkatao natin:
1. Pinaka-mahusay ka sa (a) umaga (b) hapon (c) malaon nang gabi.
2. Paglakad mo’y (a) mabilis, malaking hakbang (b) mabilis, maliit hakbang (c) mabagal, taas noo (d) mabagal, nakatungo (e) marahan.
3. Kung makipag-usap (a) nakatayo’t halukipkip (b) dikit palad (c) pamewang (d) dikit sa kausap (e) hinihimas ang tenga, baba o buhok.
4. Kung nagpapahinga, nakaupo (a) tiklop tuhod, dikit binti (b) magka-krus binti (c) unat binti (d) inuupuan isang binti.
5. Kapag may nakakatawa ikaw ay (a) tumatawang malakas (b) konting tawa (c) tumatawa sa sarili (d) konting ngiti.
6. Pagdating sa party ika’y (a) maingay (b) tahimik, hanap agad ng kakilala (c) hindi nagpapa-pansin.
7. Kapag inabala sa trabaho (a) okay sa iyo ang break (b) naiirita (c) minsan ‘yung una, minsan ‘yung ikalawa.
8. Paboritong kulay (a) pula o orange (b) itim (c) dilaw, light blue (d) berde (e) dark blue, purple (f) puti (g) brown, gray.
9. Sa kama bago matulog ika’y (a) unat nakahiga (b) unat nakadapa (c) nakabaluktot (d) isang braso sa ulunan (e) nakatalukbong.
10. Malimit ka mangarap na (a) nahuhulog (b) nakiki-pag-buno (c) may hinahanap (d) lumilipad, lumulutang (e) malimit wala (f) masaya.
Sumahin ang score: 1. a=2 b=4 c=6, 2. a=6 b=4 c=7 d=2 e=1, 3. a=4 b=2 c=5 d=7 e=6, 4. a=4 b=6 c=2 d=1, 5. a=6 b=4 c=3 d=5 e=2, 6. a=6 b=4 c=2, 7. a=6 b=2 c=4, 8. a=6 b=7 c=5 d=4 e=3 f=2 g-1, 9. a=7 b=6 c=4 d=2 e=1, 10. a=4 b=2 c=3 d=5 e=6 f=1.
60+ Banidoso, makasarili, dominante, iniiwasan. 51-60 Maaksiyon, padalos-dalos, mabilis dumesisyon, adbenturero. 41-50 Masigla, charming, sentro ng atensiyon, mapagbigay. 31-40 Maingat, praktikal, matalas. 21-30 Mabusisi, sobrang ingat, kinakalkula muna lahat. -21 Mahiyain, nerbiyoso, hindi makadesisyon, dungo.
- Latest
- Trending