^

PSN Opinyon

Iboto ang 'DreamTeam' sa Marikina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAY dahilan pala kung bakit todo-todo ang suporta ng mga botante sa Marikina City dito sa tinatawag na “Dream Team” na kinabibilangan nina Rep. Marcy Teodoro, Vice Mayor Boy Bolok Santos at konsehal Elmer Nepomuceno. Maganda kasi ang plataporma nitong Dream Team kaya’t sila ang tinututukan ng mga botante kahit saang panig man sila ng siyudad pumunta para mangampanya. Gaya nitong si Teodoro na napiling isa sa 30 most outstanding congressmen noong 2008 at 2009 dahil sa kanyang role sa Cheaper Medicine Act, National Tourism Policy, Personal Equity and Retirement Account, Tax Relief for Individual Taxpayer, Magna Carta of Women at UP charter. Sa pamamagitan ng House Bill 2935, nais din ni Teodoro na itaas ang suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan para mabigyan benepisyo pati na ang mga taong umaasa sa kanila. Sa tulong naman ng HB 2198, ang Concepcion High School sa Bgy. Malanday ay naging isang teknikal at bokasyonal na at tinawag na Malanday National and Vocational High School. Para lalong umunlad pa ang edukasyon sa sakop niya, si Teodoro rin ang nasa likod ng pagbabago sa Sto. Nino National High School sa Bgy. San Roque; Barangka National High School sa Bgy. Barangka at sa Kalumpang National High School sa Bgy. Kalumpang. Kung isa-isahin natin mga suki ang achievements ni Teodoro sa Kongreso, aba baka apat na kolum ko na ang lumabas eh di pa tapos. Ganyan siya kasipag. Kaya’t hindi totoo ang bintang ng mga kalaban niya sa pulitika na wala siyang nagawa sa Kongreso.

Itong si Bolok Santos naman ay konsehal ng siyudad na nais maging vice mayor para lalong tulungan pa ang mga kapuspalad sa sakop niya. Hitik din ang achievement nitong si Boy Bolok kaya’t hindi magsisisi ang mga residente kapag lumusot siya sa Mayo. Si Boy Bolok ang president pro tempore ng Sangguniang Panglungsod at chairman ng Committee on Good Government, Ethics and Accountability at Committee on Senior Citizens and Persons with Disability Affairs. Miyembro rin si Boy Bolok sa mga committee on Rules and Codification of Laws, on Ways and Means, on Youth and Sports Development at Human Rights and Justice. Halos aabot rin sa sampung ordinansa ang itinulak ni Boy Bolok sa City Council tulad ng tax incentives, libreng sapatos sa mga estudyante, samahan ng sari-sari stores, pagbuo ng disaster brigade, pag-estima ng emergency patients, pagsapi sa Marikina Junior Police, P2,000 tulong sa pagpalibing,  pagsasanay sa fire protection, pagtakda ng courtesy lane at P2,000 allowance para sa opisyales ng samahang senior citizens ng siyudad.

Kung hitik ang pulyetos nina Teodoro at Boy Bolok mga suki, hindi naman pahuhuli itong si Elmer Nepomuceno na tumatakbong konsehal sa 1st District. Sa ngayon kasi, marami na sa mga senior citizens at bantay bayan ang natutuwa bunga sa may isang nilalang na nagmamalasakit para sa kanilang kapakanan. Kaya’t kung lumabas itong si Nepomuceno, Boy Bolok sa Mayo, tiyak madami silang matutulungan. Kaya’t dapat ibuhos na ng Marikeño ang kanilang suporta sa Dream Team.

vuukle comment

BARANGKA NATIONAL HIGH SCHOOL

BGY

BOLOK

BOLOK SANTOS

BOY BOLOK

DREAM TEAM

ELMER NEPOMUCENO

KAYA

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with